Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #39 Translated in Filipino

وَدَخَلَ جَنَّتَهُ وَهُوَ ظَالِمٌ لِنَفْسِهِ قَالَ مَا أَظُنُّ أَنْ تَبِيدَ هَٰذِهِ أَبَدًا
At siya ay pumaroon sa kanyang halamanan habang nasa kalagayan (ng kapalaluan at kawalang pananalig), at walang katarungan sa kanyang sarili. Siya ay nagsabi: “Hindi ako nag-aakala na ito ay maglalaho sa akin
وَمَا أَظُنُّ السَّاعَةَ قَائِمَةً وَلَئِنْ رُدِدْتُ إِلَىٰ رَبِّي لَأَجِدَنَّ خَيْرًا مِنْهَا مُنْقَلَبًا
At hindi ko inaakala na ang oras (ng Paghuhukom) ay darating nga, at kung katotohanan na ako ay muling ibabalik sa aking Panginoon (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), katiyakang ako ay makakatagpo ng higit na mainam pa rito kung ako ay magbalik sa Kanya.”
قَالَ لَهُ صَاحِبُهُ وَهُوَ يُحَاوِرُهُ أَكَفَرْتَ بِالَّذِي خَلَقَكَ مِنْ تُرَابٍ ثُمَّ مِنْ نُطْفَةٍ ثُمَّ سَوَّاكَ رَجُلًا
Ang kanyang kasama ay nagsabi sa kanya sa kalaunan ng kanilang pag-uusap: “Ikaw baga ay hindi nananalig sa Kanya, na Siyang lumikha sa iyo mula sa alabok (alalaong baga, ang iyong ama na si Adan), at mula sa Nutfah (magkahalong patak ng semilya ng lalaki at babae), at ikaw ay hinubog bilang isang tao
لَٰكِنَّا هُوَ اللَّهُ رَبِّي وَلَا أُشْرِكُ بِرَبِّي أَحَدًا
Datapuwa’t kung sa aking sarili, (ako ay nananampalataya) na Siya si Allah, ang aking Panginoon, at walang anupaman ang aking iniaakibat bilang katambal sa aking Panginoon.”
وَلَوْلَا إِذْ دَخَلْتَ جَنَّتَكَ قُلْتَ مَا شَاءَ اللَّهُ لَا قُوَّةَ إِلَّا بِاللَّهِ ۚ إِنْ تَرَنِ أَنَا أَقَلَّ مِنْكَ مَالًا وَوَلَدًا
Ito ay higit na mainam para sa iyo na sabihin, kung ikaw ay makapasok na sa iyong halamanan: “Kung ano ang ninais ni Allah (ito ay matutupad)! wala ng iba pang kapangyarihan maliban kay Allah. Kung ako ay iyong nakikita na gahol kaysa sa iyo sa kayamanan at mga anak

Choose other languages: