Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #22 Translated in Filipino

وَتَحْسَبُهُمْ أَيْقَاظًا وَهُمْ رُقُودٌ ۚ وَنُقَلِّبُهُمْ ذَاتَ الْيَمِينِ وَذَاتَ الشِّمَالِ ۖ وَكَلْبُهُمْ بَاسِطٌ ذِرَاعَيْهِ بِالْوَصِيدِ ۚ لَوِ اطَّلَعْتَ عَلَيْهِمْ لَوَلَّيْتَ مِنْهُمْ فِرَارًا وَلَمُلِئْتَ مِنْهُمْ رُعْبًا
At inyong mapag-aakala na sila ay gising, samantalang sila ay natutulog. At Aming ibinibiling sila sa kanilang kanang bahagi at sa kanilang kaliwang bahagi (ng katawan), at ang kanilang aso ay nag-uunat ng kanyang dalawang binti sa bukana (ng Yungib o sa lugar na malapit sa pasukan ng Yungib bilang isang tagapagbantay sa pasukan). At kung sila ay inyong pinagmasdan, katiyakang kayo ay tatalikod sa kanila na tumatalilis, at katiyakang kayo ay mapupuspos ng sindak sa kanila
وَكَذَٰلِكَ بَعَثْنَاهُمْ لِيَتَسَاءَلُوا بَيْنَهُمْ ۚ قَالَ قَائِلٌ مِنْهُمْ كَمْ لَبِثْتُمْ ۖ قَالُوا لَبِثْنَا يَوْمًا أَوْ بَعْضَ يَوْمٍ ۚ قَالُوا رَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِمَا لَبِثْتُمْ فَابْعَثُوا أَحَدَكُمْ بِوَرِقِكُمْ هَٰذِهِ إِلَى الْمَدِينَةِ فَلْيَنْظُرْ أَيُّهَا أَزْكَىٰ طَعَامًا فَلْيَأْتِكُمْ بِرِزْقٍ مِنْهُ وَلْيَتَلَطَّفْ وَلَا يُشْعِرَنَّ بِكُمْ أَحَدًا
At gayundin, ay Aming ginising sila (sa kanilang mahaba at mahimbing na pagkakatulog) upang sila ay makapagtanong sa bawat isa. Ang isa sa tagapagsalita sa lipon nila ay nagsabi: “Gaano katagal na kayo ay namalagi (rito)?” Sila ay nagsabi: “(Marahil) kami ay namalagi lamang ng isang araw o bahagi ng isang araw.” Sila ay nagsabi: “Ang inyong Panginoon (lamang) ang ganap na nakakaalam kung gaano katagal kayo namalagi (rito). Kaya’t inyong papuntahin ang isa sa inyo na may dala nitong sensilyong pilak na galing sa inyo at hayaan ninyong hanapin niya kung ano ang mainam at pinahihintulutang pagkain, at siya ay magdala ng ilan sa mga ito sa inyo. At pagtagubilinan siya na maging maingat at huwag hayaan ang sinuman na makakilala sa inyo
إِنَّهُمْ إِنْ يَظْهَرُوا عَلَيْكُمْ يَرْجُمُوكُمْ أَوْ يُعِيدُوكُمْ فِي مِلَّتِهِمْ وَلَنْ تُفْلِحُوا إِذًا أَبَدًا
Sapagkat kung kayo ay kanilang makikilala, ay kanilang babatuhin kayo (hanggang mamatay o kanilang aabusuhin o sasaktan kayo), o kayo ay ibabalik nilang muli sa kanilang (lihis) na pananalig, at sa gayong pangyayari, kayo ay hindi magtatagumpay.”
وَكَذَٰلِكَ أَعْثَرْنَا عَلَيْهِمْ لِيَعْلَمُوا أَنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ وَأَنَّ السَّاعَةَ لَا رَيْبَ فِيهَا إِذْ يَتَنَازَعُونَ بَيْنَهُمْ أَمْرَهُمْ ۖ فَقَالُوا ابْنُوا عَلَيْهِمْ بُنْيَانًا ۖ رَبُّهُمْ أَعْلَمُ بِهِمْ ۚ قَالَ الَّذِينَ غَلَبُوا عَلَىٰ أَمْرِهِمْ لَنَتَّخِذَنَّ عَلَيْهِمْ مَسْجِدًا
At ginawa Namin na ang kanilang naging katayuan ay maalaman ng mga tao, upang kanilang mabatid na ang pangako ni Allah ay tunay at walang maging pag-aalinlangan sa oras (Araw ng Paghuhukom). (Gunitain) nang sila (na mga tao ng lungsod) ay magtalo-talo sa kanilang sarili tungkol sa kanilang naging kalagayan, sila ay nagsabi: “Magsipagtayo kayo ng gusali sa ibabaw nila, ang kanilang Panginoon ang higit na nakakaalam sa kanila,” at sila na nagwagi sa kanilang panukala ay nagsabi (mas higit marahil yaong mga hindi sumasampalataya): “Katotohanang kami ay magtatayo ng isang lugar ng pagsamba sa ibabaw nila.”
سَيَقُولُونَ ثَلَاثَةٌ رَابِعُهُمْ كَلْبُهُمْ وَيَقُولُونَ خَمْسَةٌ سَادِسُهُمْ كَلْبُهُمْ رَجْمًا بِالْغَيْبِ ۖ وَيَقُولُونَ سَبْعَةٌ وَثَامِنُهُمْ كَلْبُهُمْ ۚ قُلْ رَبِّي أَعْلَمُ بِعِدَّتِهِمْ مَا يَعْلَمُهُمْ إِلَّا قَلِيلٌ ۗ فَلَا تُمَارِ فِيهِمْ إِلَّا مِرَاءً ظَاهِرًا وَلَا تَسْتَفْتِ فِيهِمْ مِنْهُمْ أَحَدًا
(Ang ilan) ay nagsasabi na sila ay tatlo, ang aso ay bilang pang-apat sa lipon nila; (ang iba) ay nagsasabi na sila ay lima, ang aso ay bilang pang-anim, na humuhula sa nalilingid; (ngunit ang mga iba) ay nagsasabi na sila ay pito, ang aso ay bilang pangwalo. Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ang ganap na nakakatalos ng kanilang bilang; walang nakakaalam sa kanila maliban sa ilan lamang.” Kaya’t huwag ninyong pagtalunan (ang kanilang bilang, atbp.), maliban (lamang) kung mayroong maliwanag na katibayan (na Aming ipinahayag sa iyo). At huwag kang sumangguni sa isa man sa kanila (mga tao ng Kasulatan, Hudyo at Kristiyano) ng tungkol sa naging buhay (naging kalagayan) ng mga tao ng Yungib

Choose other languages: