Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Jinn Ayahs #17 Translated in Filipino

وَأَنَّا لَمَّا سَمِعْنَا الْهُدَىٰ آمَنَّا بِهِ ۖ فَمَنْ يُؤْمِنْ بِرَبِّهِ فَلَا يَخَافُ بَخْسًا وَلَا رَهَقًا
At katotohanan na aming napakinggan ang Pahayag (Qur’an), kami ay nagsisampalataya rito (sa Kaisahan ni Allah), at sinuman ang manampalataya sa kanyang Panginoon ay walang ipangangamba maging ito man ay sa pagkabawas ng gantimpala sa kanyang mabubuting gawa o sa dagdag na kaparusahan sa kanyang mga kasalanan. ** Mga nilikha ni Allah na hindi natin nakikita, subalit katulad din ng mga tao ay may pananagutan sa kanilang gawa, may kalayaan sila na gumawa ng mabuti at masama, ang sumunod o sumuway kay Allah at sa Kanyang kautusan, at sa kanila ay may paghuhukom din na darating at may kabayaran ng gantimpala o kaparusahan ayon sa kanilang ginawa
وَأَنَّا مِنَّا الْمُسْلِمُونَ وَمِنَّا الْقَاسِطُونَ ۖ فَمَنْ أَسْلَمَ فَأُولَٰئِكَ تَحَرَّوْا رَشَدًا
At ang ilan sa karamihan namin ay mga Muslim (na nagsuko ng kanilang kalooban kay Allah matapos na makinig sa Qur’an), at may mga ilan sa karamihan namin ay Al-Qasitun (mga walang pananalig at lumihis sa Tuwid na Landas). At sinuman ang magsuko ng kanyang kalooban kay Allah (alalaong baga, ang yumakap sa Islam), katotohanang sila ay nagkamit ng Tuwid na Landas (sa mabuting asal)
وَأَمَّا الْقَاسِطُونَ فَكَانُوا لِجَهَنَّمَ حَطَبًا
At sa Qasitun (mga walang pananalig at katarungan na lumihis sa Tuwid na Landas), sila ang magiging panggatong (sa Apoy) ng Impiyerno
وَأَنْ لَوِ اسْتَقَامُوا عَلَى الطَّرِيقَةِ لَأَسْقَيْنَاهُمْ مَاءً غَدَقًا
At kung sila (na sumasamba sa diyus-diyosan, hindi mga Muslim) ay sumampalataya kay Allah at namalagi lamang sa Tuwid na Landas (Islam), katotohanang Kami ay magkakaloob sa kanila ng saganang ulan
لِنَفْتِنَهُمْ فِيهِ ۚ وَمَنْ يُعْرِضْ عَنْ ذِكْرِ رَبِّهِ يَسْلُكْهُ عَذَابًا صَعَدًا
Upang sila ay Aming masubukan sa gayong paraan. Datapuwa’t sinuman ang tumalikod sa Paala-ala ng kanyang Panginoon (alalaong baga, sa Qur’an at hindi nagsagawa sa mga batas at pag-uutos nito), ay igagawad Niya sa kanya ang pumasok sa Matinding Kaparusahan (Impiyerno)

Choose other languages: