Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Jathiya Ayahs #36 Translated in Filipino

وَإِذَا قِيلَ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ وَالسَّاعَةُ لَا رَيْبَ فِيهَا قُلْتُمْ مَا نَدْرِي مَا السَّاعَةُ إِنْ نَظُنُّ إِلَّا ظَنًّا وَمَا نَحْنُ بِمُسْتَيْقِنِينَ
At nang ito ay ipahayag: “Katiyakan! Ang pangako ni Allah ay ang katotohanan at ang sandali nang pagdatal ng oras ay walang pasubali.” Kayo ay nagsasabi: “Hindi namin alam kung ano ang Takdang oras. Itinuturing lamang namin ito na isang haka- haka, at kami ay walang ganap na katiyakan (dito).”
وَبَدَا لَهُمْ سَيِّئَاتُ مَا عَمِلُوا وَحَاقَ بِهِمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
At sa kanila ay matatambad ang mga masasamang bunga ng kanilang ginawa, at sila ay lubusang mapapaligiran ng mga bagay na kanilang kinukutya
وَقِيلَ الْيَوْمَ نَنْسَاكُمْ كَمَا نَسِيتُمْ لِقَاءَ يَوْمِكُمْ هَٰذَا وَمَأْوَاكُمُ النَّارُ وَمَا لَكُمْ مِنْ نَاصِرِينَ
Gayundin naman, sa kanila ay ipagbabadya: “Sa Araw na ito ay Aming kakaligtaan kayo kung paano rin naman hindi ninyo binigyang pansin ang (inyong) Araw ng Pakikipagtipan. Ang inyong pananahanan ay Apoy at walang sinuman ang makakatulong sa inyo!”
ذَٰلِكُمْ بِأَنَّكُمُ اتَّخَذْتُمْ آيَاتِ اللَّهِ هُزُوًا وَغَرَّتْكُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ فَالْيَوْمَ لَا يُخْرَجُونَ مِنْهَا وَلَا هُمْ يُسْتَعْتَبُونَ
Sapagkat kayo ay namihasa na nagturing sa mga Pahayag ni Allah (ang Qur’an) bilang katuwaan, at ang buhay sa mundong ito ang dumaya sa inyo. Kaya’t mula sa Araw na ito, sila ay hindi na maiaalis pa rito (Impiyerno), gayundin naman sila ay hindi magiging Yasta’tabun (alalaong baga, hindi na sila makakabalik sa makamundong buhay upang sila ay magtika kay Allah at manikluhod sa Kanyang Kapatawaran ng kanilang mga kasalanan)
فَلِلَّهِ الْحَمْدُ رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَرَبِّ الْأَرْضِ رَبِّ الْعَالَمِينَ
Kaya’t ang lahat ng mga Pagpupuri at Pasasalamat ay kay Allah lamang, ang Panginoon ng kalangitan at Panginoon ng kalupaan at Panginoon at Tagapagtaguyod ng lahat ng mga nilalang

Choose other languages: