Surah Al-Jathiya Ayahs #26 Translated in Filipino
وَخَلَقَ اللَّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ وَلِتُجْزَىٰ كُلُّ نَفْسٍ بِمَا كَسَبَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ
At nilikha ni Allah ang kalangitan at kalupaan ng may kapakinabangan, upang ang bawat kaluluwa ay makatagpo ng kabayaran sa kanyang kinita. At walang sinuman sa kanila ang hahatulan ng walang katuwiran
أَفَرَأَيْتَ مَنِ اتَّخَذَ إِلَٰهَهُ هَوَاهُ وَأَضَلَّهُ اللَّهُ عَلَىٰ عِلْمٍ وَخَتَمَ عَلَىٰ سَمْعِهِ وَقَلْبِهِ وَجَعَلَ عَلَىٰ بَصَرِهِ غِشَاوَةً فَمَنْ يَهْدِيهِ مِنْ بَعْدِ اللَّهِ ۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Napagmamasdan mo ba siya na nagtuturing sa kanyang pagnanasa (walang kapararakang hangarin) bilang kanyang diyos? Si Allah na nakakatalos sa kanya ay hinayaan siya na naliligaw. At sinarhan Niya ang kanyang pandinig at kanyang puso (sa pang-unawa) at humadlang sa kanyang paningin. Sino kaya baga ang makakapamatnubay sa kanya (pagkaraang alisin ni Allah ang Kanyang patnubay)? Hindi ba kayo magsisitanggap ng paala-ala
وَقَالُوا مَا هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا الدُّنْيَا نَمُوتُ وَنَحْيَا وَمَا يُهْلِكُنَا إِلَّا الدَّهْرُ ۚ وَمَا لَهُمْ بِذَٰلِكَ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِنْ هُمْ إِلَّا يَظُنُّونَ
At sila ay nagsasabi: “Mayroon pa ba kayang ibang buhay maliban sa aming buhay sa mundong ito? Kami ay mamamatay at kami ay nabubuhay at tanging dahr (Panahon) lamang ang makakasira sa amin.” Datapuwa’t ang tungkol dito (Kabilang Buhay), sila ay walang kaalaman, bagkus, sila ay naghahaka-haka lamang
وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ مَا كَانَ حُجَّتَهُمْ إِلَّا أَنْ قَالُوا ائْتُوا بِآبَائِنَا إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
At kung ang Aming maliliwanag na mga Talata ay ipinapahayag sa kanila, ang kanilang panambitan ay walang iba kundi ito: “Ibalik mong muli ang aming mga (patay) na ninuno (sa pagkabuhay), kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan!”
قُلِ اللَّهُ يُحْيِيكُمْ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يَجْمَعُكُمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ لَا رَيْبَ فِيهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ
Ipagbadya (sa kanila): “Si Allah ang naggawad sa inyo ng buhay, at Siya rin ang magkakaloob sa inyo ng kamatayan. Siya rin ang magtitipon sa inyo sa Araw ng Paghuhukom (Araw ng Muling Pagkabuhay) na walang alinlangan. Datapuwa’t ang karamihan ng mga tao ay hindi nakakaalam
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
