Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #24 Translated in Filipino

كُلًّا نُمِدُّ هَٰؤُلَاءِ وَهَٰؤُلَاءِ مِنْ عَطَاءِ رَبِّكَ ۚ وَمَا كَانَ عَطَاءُ رَبِّكَ مَحْظُورًا
Sa bawat isa, sa inyo at sa kanila, Kami ang nagkakaloob (ng biyaya) mula sa Kasaganaan ng iyong Panginoon. At ang Kasaganaan ng iyong Panginoon, kailanman ay hindi maipagbabawal
انْظُرْ كَيْفَ فَضَّلْنَا بَعْضَهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ وَلَلْآخِرَةُ أَكْبَرُ دَرَجَاتٍ وَأَكْبَرُ تَفْضِيلًا
Inyong pagmalasin kung paano Namin kinakandili ang isa ng higit sa iba (sa mundong ito), at katotohanan, ang Kabilang Buhay ay higit na mataas sa antas at higit na mainam na bigyang halaga
لَا تَجْعَلْ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ فَتَقْعُدَ مَذْمُومًا مَخْذُولًا
Huwag kang magtambal ng mga ibang diyos tangi pa kay Allah (o tao)! [ang talatang ito ay ipinatungkol kay Propeta Muhammad, ngunit ang tinutukoy sa pangkalahatan ay ang sangkatauhan], kung hindi, ikaw ay uupo na sinusumbatan at pinababayaan (sa Apoy ng Impiyerno)
وَقَضَىٰ رَبُّكَ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا إِيَّاهُ وَبِالْوَالِدَيْنِ إِحْسَانًا ۚ إِمَّا يَبْلُغَنَّ عِنْدَكَ الْكِبَرَ أَحَدُهُمَا أَوْ كِلَاهُمَا فَلَا تَقُلْ لَهُمَا أُفٍّ وَلَا تَنْهَرْهُمَا وَقُلْ لَهُمَا قَوْلًا كَرِيمًا
At ang iyong Panginoon ay nag-utos na huwag kang sumamba sa iba pa maliban sa Kanya, at ikaw ay maging masunurin sa iyong magulang. Kung ang isa sa kanila o silang dalawa ay sumapit na sa matandang gulang sa (panahon) ng iyong buhay, huwag kang mangusap sa kanila ng isa mang salita ng kalapastanganan, gayundin ay huwag manigaw sa kanila, datapuwa’t ikaw ay mangusap sa kanila sa paraan na karangal-rangal
وَاخْفِضْ لَهُمَا جَنَاحَ الذُّلِّ مِنَ الرَّحْمَةِ وَقُلْ رَبِّ ارْحَمْهُمَا كَمَا رَبَّيَانِي صَغِيرًا
At iyong ibaba para sa kanila ang pakpak ng pagsunod at kapakumbabaan sa pamamagitan ng habag, at magsabi: “Aking Panginoon! Igawad Ninyo sa kanila ang Inyong Habag sapagkat sila ang nag-aruga sa akin nang ako ay batang paslit pa.”

Choose other languages: