Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Insan Ayahs #26 Translated in Filipino

إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمْ جَزَاءً وَكَانَ سَعْيُكُمْ مَشْكُورًا
(At sa kanila ay ipagbabadya): “Katotohanang ito ang ganti sa inyo at ang inyong pinagsumikapan ay tinanggap na mainam (sa karangalan)”
إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا عَلَيْكَ الْقُرْآنَ تَنْزِيلًا
Katotohanang Kami ang nagpahayag ng Qur’an sa iyo (o Muhammad) sa sunod-sunod na antas (ng pagpapahayag)
فَاصْبِرْ لِحُكْمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعْ مِنْهُمْ آثِمًا أَوْ كَفُورًا
Kaya’t maging matiyaga at matimtiman ka (o Muhammad) at tumalima sa pag-uutos ng iyong Panginoon (si Allah, sa pamamagitan ng pagganap ng iyong tungkulin sa Kanya at sa pagpapalaganap ng Kanyang Mensahe sa sangkatauhan), at huwag kang makinig sa makasalanan, gayundin sa mga hindi sumasampalataya sa kanilang lipon
وَاذْكُرِ اسْمَ رَبِّكَ بُكْرَةً وَأَصِيلًا
At alalahanin ang Pangalan ng iyong Panginoon sa bawat umaga at hapon (alalaong baga, ang mag-alay ng panalangin sa umaga, tanghali at hapon)
وَمِنَ اللَّيْلِ فَاسْجُدْ لَهُ وَسَبِّحْهُ لَيْلًا طَوِيلًا
At sambahin Siya (sa pagpapatirapa) sa ilang bahagi ng gabi at papurihan Siya sa buong magdamag (alalaong baga, ang mag-alay ng panalangin sa takipsilim, gabi at sa gitna ng gabi)

Choose other languages: