Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Insan Ayahs #23 Translated in Filipino

وَيَطُوفُ عَلَيْهِمْ وِلْدَانٌ مُخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيْتَهُمْ حَسِبْتَهُمْ لُؤْلُؤًا مَنْثُورًا
At sa kanila ay magsisilbi ang mga kabataan na may hindi nagmamaliw na kasariwaan (kabataan), na kung inyong mapagmamalas, sila ay wari bang nagkalat na perlas (sa kariktan)
وَإِذَا رَأَيْتَ ثَمَّ رَأَيْتَ نَعِيمًا وَمُلْكًا كَبِيرًا
At kung tutunghay kayo rito (Paraiso), kayo ay makakamalas ng Sukdol na Kaligayahan (na hindi mapapangarap at mauunawaan), at isang dakilang Paghahari
عَالِيَهُمْ ثِيَابُ سُنْدُسٍ خُضْرٌ وَإِسْتَبْرَقٌ ۖ وَحُلُّوا أَسَاوِرَ مِنْ فِضَّةٍ وَسَقَاهُمْ رَبُّهُمْ شَرَابًا طَهُورًا
Ang kanilang mga kasuutan ay kulay luntiang sutla na napapalamutihan ng ginto. Sila ay gagayakan ng mga pulseras na pilak at ang kanilang Panginoon ay magkakaloob sa kanila ng dalisay na inumin
إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمْ جَزَاءً وَكَانَ سَعْيُكُمْ مَشْكُورًا
(At sa kanila ay ipagbabadya): “Katotohanang ito ang ganti sa inyo at ang inyong pinagsumikapan ay tinanggap na mainam (sa karangalan)”
إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا عَلَيْكَ الْقُرْآنَ تَنْزِيلًا
Katotohanang Kami ang nagpahayag ng Qur’an sa iyo (o Muhammad) sa sunod-sunod na antas (ng pagpapahayag)

Choose other languages: