Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Insan Ayahs #13 Translated in Filipino

إِنَّمَا نُطْعِمُكُمْ لِوَجْهِ اللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنْكُمْ جَزَاءً وَلَا شُكُورًا
(Na nagsasabi): “Kami ay nagpakain sa inyo dahilan sa pagmamahal namin kay Allah. Kami ay hindi naghahangad 928 ng pabuya, gayundin ng pasasalamat mula sa inyo
إِنَّا نَخَافُ مِنْ رَبِّنَا يَوْمًا عَبُوسًا قَمْطَرِيرًا
Katotohanang kami ay nangangamba sa aming Panginoon sa Araw ng kahirapan at kaguluhan na magdudulot sa mga mukha ng kalagim-lagim na anyo (dahilan sa matinding pag-ayaw dito).”
فَوَقَاهُمُ اللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ الْيَوْمِ وَلَقَّاهُمْ نَضْرَةً وَسُرُورًا
Datapuwa’t sila ay iniligtas ni Allah sa kasamaan ng Araw na yaon at sila ay biniyayaan Niya ng Nadratan (isang Liwanag ng Kagandahan) at kaligayahan
وَجَزَاهُمْ بِمَا صَبَرُوا جَنَّةً وَحَرِيرًا
At sapagkat sila ay naging matiyaga at matatag (sa pananalig), si Allah ay magkakaloob sa kanila ng Halamanan (Paraiso) at mga kasuutang yari sa sutla
مُتَّكِئِينَ فِيهَا عَلَى الْأَرَائِكِ ۖ لَا يَرَوْنَ فِيهَا شَمْسًا وَلَا زَمْهَرِيرًا
Sila ay nakahimlay nang pahilig sa Halamanan sa mga nakataas na luklukan, at sila ay hindi makakamalas dito ng mahapding init ng araw o ng napakalamig na sinag ng buwan

Choose other languages: