Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #87 Translated in Filipino

فَأَخَذَتْهُمُ الصَّيْحَةُ مُصْبِحِينَ
Datapuwa’t (ang nakatakdang ) Sigaw ay sumakmal sa kanila sa madaling araw (sa ika-apat na araw ng kanilang nakatakdang kaparusahan)
فَمَا أَغْنَىٰ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
At ang lahat ng kanilang kinita ay hindi nakatulong sa kanila
وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا إِلَّا بِالْحَقِّ ۗ وَإِنَّ السَّاعَةَ لَآتِيَةٌ ۖ فَاصْفَحِ الصَّفْحَ الْجَمِيلَ
At hindi Namin nilikha ang mga kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito maliban sa katotohanan, at ang Oras ay walang pagsalang daratal, kaya’t suklian mo (o Muhammad) ang kanilang kamalian ng maraming pagpapatawad. [Ito ay bago pa ipag-utos ang Jihad (Banal na Digmaan]
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ الْخَلَّاقُ الْعَلِيمُ
Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Siyang Manlilikha, na Lubos na Nakakaalam
وَلَقَدْ آتَيْنَاكَ سَبْعًا مِنَ الْمَثَانِي وَالْقُرْآنَ الْعَظِيمَ
At tunay nga, na Aming ipinagkaloob sa iyo ang pitong Al-Mathani (ang pitong talata na laging inuulit [dinadalit], alalaong baga, ang Surat Al-Fatiha [Pambungad na Kabanata] ng Dakilang Qur’an

Choose other languages: