Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #74 Translated in Filipino

قَالُوا أَوَلَمْ نَنْهَكَ عَنِ الْعَالَمِينَ
Sila (ang mga tao ng lungsod) ay nagsabi: “Hindi baga pinagbawalan ka na namin (na ikaw ay mag-asikaso o mangalaga) sa alin man sa A’alamin (mga tao, mga banyaga, mga naiiba, atbp., mula sa amin)?”
قَالَ هَٰؤُلَاءِ بَنَاتِي إِنْ كُنْتُمْ فَاعِلِينَ
Siya (Lut) ay nagsabi: “Sila (ang kababaihan ng pamayanan) ay aking mga anak na babae (na maaari ninyong pakasalan), kung inyong nais.”
لَعَمْرُكَ إِنَّهُمْ لَفِي سَكْرَتِهِمْ يَعْمَهُونَ
Katotohanan, sa pamamagitan ng iyong buhay (O Muhamamd), sila ay nasa malalang pagkalasing, sila ay mga bulag na nagsisipangalat
فَأَخَذَتْهُمُ الصَّيْحَةُ مُشْرِقِينَ
Kaya’t ang (nakatakdang) Sigaw ay dumaklot sa kanila sa oras na sumisikat na ang araw
فَجَعَلْنَا عَالِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِمْ حِجَارَةً مِنْ سِجِّيلٍ
At Aming itinaob (ang mga bayan ng Sodom sa Palestina) na pabaligtad at pinaulan Namin sa kanila ang mga bato na yari sa hinurnong putik

Choose other languages: