Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #10 Translated in Filipino

وَقَالُوا يَا أَيُّهَا الَّذِي نُزِّلَ عَلَيْهِ الذِّكْرُ إِنَّكَ لَمَجْنُونٌ
At sila ay nagsasabi: “Ikaw (o Muhammad) na pinagpahayagan ng Dhikr (ang Qur’an)!, katotohanang ikaw ay isang taong baliw (o inaalihan ng masama)
لَوْ مَا تَأْتِينَا بِالْمَلَائِكَةِ إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ
Bakit hindi ka magpadala ng mga anghel sa amin kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan
مَا نُنَزِّلُ الْمَلَائِكَةَ إِلَّا بِالْحَقِّ وَمَا كَانُوا إِذًا مُنْظَرِينَ
Hindi Namin isinusugo ang mga anghel maliban na sila ay may dalang katotohanan (alalaong baga, tungkol sa kaparusahan, atbp.), at sa gayong pangyayari (kalagayan), sila (ang mga hindi sumasampalataya), ay hindi bibigyan ng palugit
إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا الذِّكْرَ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ
Katotohanang Kami; (at) Kami, ang nagpapanaog ng Dhikr (alalaong baga, ang Qur’an) at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa kabulukan (at katiwalian)
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ فِي شِيَعِ الْأَوَّلِينَ
Katotohanang nagsugo Kami ng mga Tagapagbalita na una pa sa iyo (o Muhammad) sa lipon ng mga sekta (mga pamayanan) noong panahong sinauna

Choose other languages: