Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #56 Translated in Filipino

إِذْ دَخَلُوا عَلَيْهِ فَقَالُوا سَلَامًا قَالَ إِنَّا مِنْكُمْ وَجِلُونَ
Nang sila ay magsituloy sa kanya, at nagsabi: “Salaman” (Sumainyo ang kapayapaan)! Si (Abraham) ay nagsabi: “Tunay na kami ay natatakot sa inyo!”
قَالُوا لَا تَوْجَلْ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَامٍ عَلِيمٍ
Ang (mga anghel) ay nagsabi: “Huwag kang matakot! Kami ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang batang lalaki (anak) na nagtataglay ng maraming kaalaman at karunungan.”
قَالَ أَبَشَّرْتُمُونِي عَلَىٰ أَنْ مَسَّنِيَ الْكِبَرُ فَبِمَ تُبَشِّرُونَ
Si (Abraham) ay nagsabi: “Ako ba ay binibigyan ninyo ng magandang balita ng isang anak na lalaki kung ang katandaan ay sumapit na sa akin? Sa anong dahilan kung gayon ang inyong balita?”
قَالُوا بَشَّرْنَاكَ بِالْحَقِّ فَلَا تَكُنْ مِنَ الْقَانِطِينَ
Ang (mga anghel) ay nangusap: “Kami ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng may katotohanan. Kaya’t huwag (kang) maging isa sa mga nawawalan ng pag-asa.”
قَالَ وَمَنْ يَقْنَطُ مِنْ رَحْمَةِ رَبِّهِ إِلَّا الضَّالُّونَ
Si (Abraham) ay nagsabi: “At sino ang nawawalan ng pag-asa sa Habag ng kanyang Panginoon maliban lamang sa mga napapaligaw (sa tuwid na landas)?”

Choose other languages: