Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #48 Translated in Filipino

لَهَا سَبْعَةُ أَبْوَابٍ لِكُلِّ بَابٍ مِنْهُمْ جُزْءٌ مَقْسُومٌ
Ito (ang Impiyerno) ay may pitong tarangkahan, at sa bawa’t isa sa mga tarangkahang ito ay may (natatanging) uri ng masasama na nakatalaga
إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ
Katotohanan, ang Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao) ay mapapagitna sa mga Halamanan at mga bukal ng tubig (Paraiso)
ادْخُلُوهَا بِسَلَامٍ آمِنِينَ
(At sa kanila ay ipagbabadya): “Magsipasok kayo sa loob (ng Paraiso), sa kapayapaan at katiwasayan.”
وَنَزَعْنَا مَا فِي صُدُورِهِمْ مِنْ غِلٍّ إِخْوَانًا عَلَىٰ سُرُرٍ مُتَقَابِلِينَ
At papalisin Namin sa kanilang puso ang anumang bahid ng kapinsalaan (na mayroon sila). Sila ay mahahalintulad sa mga magkakapatid (na buong lugod) na nagtitinginan sa isa’t isa sa matataas na diban
لَا يَمَسُّهُمْ فِيهَا نَصَبٌ وَمَا هُمْ مِنْهَا بِمُخْرَجِينَ
walang bahid ng pagkapagal ang sasapit sa kanila, at gayundin naman, kailanman, sila ay hindi pagsasabihan na lumisan doon.”

Choose other languages: