Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #40 Translated in Filipino

قَالَ رَبِّ فَأَنْظِرْنِي إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ
Si (Iblis) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay bigyan Ninyo, kung gayon, ng palugit hanggang sa Araw na sila (ang mga patay) ay ibabangon.”
قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ الْمُنْظَرِينَ
Si Allah ay nagwika: “Kung gayon, katotohanang ikaw ay isa sa mga pinalugitan
إِلَىٰ يَوْمِ الْوَقْتِ الْمَعْلُومِ
Hanggang sa Araw ng natatakdaang panahon.”
قَالَ رَبِّ بِمَا أَغْوَيْتَنِي لَأُزَيِّنَنَّ لَهُمْ فِي الْأَرْضِ وَلَأُغْوِيَنَّهُمْ أَجْمَعِينَ
Si (Iblis) ay nagsabi: “o aking Panginoon, dahilan sa ako ay Inyong iniligaw, katotohanang aking gagawing marikit ang landas ng kamalian para (sa sangkatauhan) sa kalupaan, at sila ay aking ililigaw na lahat
إِلَّا عِبَادَكَ مِنْهُمُ الْمُخْلَصِينَ
Maliban sa Inyong pinili (pinatnubayang) mga alipin sa kanilang lipon.”

Choose other languages: