Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #6 Translated in Filipino

رُبَمَا يَوَدُّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْ كَانُوا مُسْلِمِينَ
Marahil (ay malimit) na ang mga hindi sumasampalataya ay nagnanais na sila sana ay naging mga Muslim (sila na nagsuko ng kanilang sarili sa Kalooban ni Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam), ito (ang kalagayan) sa Araw ng Muling Pagkabuhay kung kanilang mapagmamalas ang mga hindi sumasampalataya na patungo sa Impiyerno (at ang mga Muslim ay patungo sa Paraiso)
ذَرْهُمْ يَأْكُلُوا وَيَتَمَتَّعُوا وَيُلْهِهِمُ الْأَمَلُ ۖ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ
Hayaan sila na kumain at magpakasaya, at hayaan sila na maging abala (sa huwad) na pag-asa. (Ito ay) kanilang mapag-aalaman
وَمَا أَهْلَكْنَا مِنْ قَرْيَةٍ إِلَّا وَلَهَا كِتَابٌ مَعْلُومٌ
At kailanman ay hindi Namin winasak ang isang bayan malibang may hayag (o nakatakdang) kautusan dito
مَا تَسْبِقُ مِنْ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسْتَأْخِرُونَ
walang bansa (pamayanan) ang makakaasam (ng natataningang panahon) na ito ay mauna, o maantala kaya
وَقَالُوا يَا أَيُّهَا الَّذِي نُزِّلَ عَلَيْهِ الذِّكْرُ إِنَّكَ لَمَجْنُونٌ
At sila ay nagsasabi: “Ikaw (o Muhammad) na pinagpahayagan ng Dhikr (ang Qur’an)!, katotohanang ikaw ay isang taong baliw (o inaalihan ng masama)

Choose other languages: