Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hashr Ayahs #24 Translated in Filipino

لَوْ أَنْزَلْنَا هَٰذَا الْقُرْآنَ عَلَىٰ جَبَلٍ لَرَأَيْتَهُ خَاشِعًا مُتَصَدِّعًا مِنْ خَشْيَةِ اللَّهِ ۚ وَتِلْكَ الْأَمْثَالُ نَضْرِبُهَا لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ
At kung Aming ipinanaog ang Qur’an sa (ibabaw ng) bundok, katotohanang iyong mapagmamasdan ito (bundok) na nangangayupapa at nalalansag sa pagkabiyak dahilan sa pangamba kay Allah. Ito ay isang paghahambing na Aming inihantad sa mga tao upang sila ay magsaalang- alang
هُوَ اللَّهُ الَّذِي لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ ۖ هُوَ الرَّحْمَٰنُ الرَّحِيمُ
Siya si Allah, wala ng iba pang diyos maliban sa Kanya. La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Lubos na Nakakaalam ng mga nakalingid at lantad. Siya ang Pinakamapagbigay, ang Pinakamaawain
هُوَ اللَّهُ الَّذِي لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الْمَلِكُ الْقُدُّوسُ السَّلَامُ الْمُؤْمِنُ الْمُهَيْمِنُ الْعَزِيزُ الْجَبَّارُ الْمُتَكَبِّرُ ۚ سُبْحَانَ اللَّهِ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Siya si Allah, wala ng iba pang Diyos maliban sa Kanya. La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Hari, ang Banal - ang Tanging Isa na ligtas sa lahat ng mga kasahulan at kapintasan, ang Tagapagbigay ng Kapanatagan, ang Tagapagbantay sa lahat ng Kanyang mga nilalang, ang Pinakamakapangyarihan, ang Tagapagpasunod, ang Kataas-taasan. Luwalhatiin si Allah! (Higit Siyang) mataas sa lahat ng kanilang iniaakibat na mga katambal sa Kanya
هُوَ اللَّهُ الْخَالِقُ الْبَارِئُ الْمُصَوِّرُ ۖ لَهُ الْأَسْمَاءُ الْحُسْنَىٰ ۚ يُسَبِّحُ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Siya si Allah, ang Manlilikha, ang Pinagmulan ng lahat ng bagay, ang Tagapagkaloob ng mga Hubog. Siya ang nag-aangkin ng lahat ng Pinakamainam na Pangalan. Ang lahat ng nasa kalangitan at kalupaan ay lumuluwalhati sa Kanya. At Siya ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan

Choose other languages: