Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hadid Ayahs #29 Translated in Filipino

لَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلَنَا بِالْبَيِّنَاتِ وَأَنْزَلْنَا مَعَهُمُ الْكِتَابَ وَالْمِيزَانَ لِيَقُومَ النَّاسُ بِالْقِسْطِ ۖ وَأَنْزَلْنَا الْحَدِيدَ فِيهِ بَأْسٌ شَدِيدٌ وَمَنَافِعُ لِلنَّاسِ وَلِيَعْلَمَ اللَّهُ مَنْ يَنْصُرُهُ وَرُسُلَهُ بِالْغَيْبِ ۚ إِنَّ اللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٌ
Katotohanang isinugo Namin (noon pa) ang Aming mga Tagapagbalita na may Maliwanag na mga Katibayan, at ipinadala Namin sa kanila ang Kasulatan at Timbangan (ng Matuwid at Mali), upang ang mga tao ay magsitindig sa katarungan. At inilabas namin ang Bakal, na naririto ang malaking lakas (sa mga bagay ng pakikipaglaban), gayundin naman ng maraming kapakinabangan sa sangkatauhan, upang masubukan ni Allah kung sino ang tutulong ng lingid sa Kanya (sa Kanyang Relihiyon), at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Katotohanang si Allah ay Ganap na Makapangyarihan, ang Mataas sa Kapamahalaan
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا وَإِبْرَاهِيمَ وَجَعَلْنَا فِي ذُرِّيَّتِهِمَا النُّبُوَّةَ وَالْكِتَابَ ۖ فَمِنْهُمْ مُهْتَدٍ ۖ وَكَثِيرٌ مِنْهُمْ فَاسِقُونَ
At tunay na isinugo Namin si Noe at Abraham, at itinatag Namin sa kanilang lahi ang pagka-Propeta at Kapahayagan, ang ilan sa kanila ay nasa tamang patnubay, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
ثُمَّ قَفَّيْنَا عَلَىٰ آثَارِهِمْ بِرُسُلِنَا وَقَفَّيْنَا بِعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ وَآتَيْنَاهُ الْإِنْجِيلَ وَجَعَلْنَا فِي قُلُوبِ الَّذِينَ اتَّبَعُوهُ رَأْفَةً وَرَحْمَةً وَرَهْبَانِيَّةً ابْتَدَعُوهَا مَا كَتَبْنَاهَا عَلَيْهِمْ إِلَّا ابْتِغَاءَ رِضْوَانِ اللَّهِ فَمَا رَعَوْهَا حَقَّ رِعَايَتِهَا ۖ فَآتَيْنَا الَّذِينَ آمَنُوا مِنْهُمْ أَجْرَهُمْ ۖ وَكَثِيرٌ مِنْهُمْ فَاسِقُونَ
(At sa kanilang pagsasayang ng oras) ay isinugo Namin sa kanila ang iba pang mga Tagapagbalita. Aming isinugo sa kanila si Hesus, ang anak ni Maria, at ibinigay Namin sa kanya ang Ebanghelyo, at itinalaga Namin sa puso ng mga sumusunod sa kanya ang Aming Pagkalinga at Habag. Datapuwa’t ang hindi pag-aasawa na itinalaga nila sa kanilang sarili; ito ay hindi Namin iginawad sa kanila, subalit (ito ay kanilang pinaghanap) upang mabigyang kasiyahan si Allah; ngunit sila ay hindi nagpatupad nito sa nararapat na pagtupad. Kaya’t ipinagkaloob Namin sa lipon nila na sumasampalataya ang kanilang (laang) gantimpala, subalit ang karamihan sa kanila ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَآمِنُوا بِرَسُولِهِ يُؤْتِكُمْ كِفْلَيْنِ مِنْ رَحْمَتِهِ وَيَجْعَلْ لَكُمْ نُورًا تَمْشُونَ بِهِ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
O kayong nananalig (kay Moises [mga Hudyo] at kay Hesus [mga Kristiyano])! Pangambahan ninyo si Allah at sumampalataya rin kayo sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad). Ipagkakaloob Niya sa inyo ang dalawang bahagi ng Kanyang Habag at ipagkakaloob Niya sa inyo ang isang Tanglaw na inyong malalakaran (sa matuwid na landas), atpatatawarin Niyaang(inyongnakaraan), sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, Ang Pinakamaawain
لِئَلَّا يَعْلَمَ أَهْلُ الْكِتَابِ أَلَّا يَقْدِرُونَ عَلَىٰ شَيْءٍ مِنْ فَضْلِ اللَّهِ ۙ وَأَنَّ الْفَضْلَ بِيَدِ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ ذُو الْفَضْلِ الْعَظِيمِ
Upang mapag-alaman ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), na wala silang anupamang kapangyarihan na higit sa mga Biyaya ni Allah, at ang (Kanyang) biyaya ay (tandisang) nasa sa Kanyang Kamay lamang, na Kanyang igagawad sa sinumang Kanyang maibigan sapagkat si Allah ang Panginoon ng Nag- uumapaw na Biyaya

Choose other languages: