Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #77 Translated in Filipino

وَالَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا هَبْ لَنَا مِنْ أَزْوَاجِنَا وَذُرِّيَّاتِنَا قُرَّةَ أَعْيُنٍ وَاجْعَلْنَا لِلْمُتَّقِينَ إِمَامًا
At sila na nagsasabi: “Aming Panginoon! Inyong pagkalooban kami mula sa aming mga asawa at mga anak ng mga magiging kasiya-siya sa aming mga mata, at kami ay gawin Ninyong mga pinuno para sa Mutaqqun (mga matimtiman at mabubuting tao na labis na nangangamba kay Allah sa pamamagitan nang pag- iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at labis na nagmamahal kay Allah sa pamamagitan nang paggawa ng lahat ng mga kabutihan na Kanyang ipinag-utos)
أُولَٰئِكَ يُجْزَوْنَ الْغُرْفَةَ بِمَا صَبَرُوا وَيُلَقَّوْنَ فِيهَا تَحِيَّةً وَسَلَامًا
Sila ang mga gagantimpalaan ng pinakamataas na lugar (sa Paraiso) dahilan sa kanilang pagtitiyaga. At dito, sila ay sasalubungin ng mga pagbati at salita ng kapayapaan at paggalang
خَالِدِينَ فِيهَا ۚ حَسُنَتْ مُسْتَقَرًّا وَمُقَامًا
Mananatili sila rito; - ito ay napakainam bilang isang hantungan at bilang isang lugar na pananahanan
قُلْ مَا يَعْبَأُ بِكُمْ رَبِّي لَوْلَا دُعَاؤُكُمْ ۖ فَقَدْ كَذَّبْتُمْ فَسَوْفَ يَكُونُ لِزَامًا
Ipagbadya (o Muhammad, sa mga hindi sumasampalataya): “Ang aking Panginoon ay dumirinig lamang sa inyo dahilan sa inyong panawagan sa Kanya. Datapuwa’t ngayon, katotohanang kayo ay nagtatwa (sa Kanya). Kaya’t ang kaparusahan ay sasainyo magpakailanman (hindi magbabawa at mananatiling kaparusahan)

Choose other languages: