Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #65 Translated in Filipino

تَبَارَكَ الَّذِي جَعَلَ فِي السَّمَاءِ بُرُوجًا وَجَعَلَ فِيهَا سِرَاجًا وَقَمَرًا مُنِيرًا
Luwalhatiin Siya na naglagay sa kalangitan ng malalaking tala (bituin), at naglagay doon ng malaking sulo (araw), at ng isang buwan na nagbibigay liwanag
وَهُوَ الَّذِي جَعَلَ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ خِلْفَةً لِمَنْ أَرَادَ أَنْ يَذَّكَّرَ أَوْ أَرَادَ شُكُورًا
At Siya ang nagtalaga sa gabi at araw na magsunuran (alalaong baga, sisikat ang araw pagkatapos ng gabi, at darating ang gabi paglubog ng araw), para sa kanya na nagnanais na makaala- ala o nagnanais na maipamalas ang kanyang pagtanaw ng utang na loob (ng pasasalamat)
وَعِبَادُ الرَّحْمَٰنِ الَّذِينَ يَمْشُونَ عَلَى الْأَرْضِ هَوْنًا وَإِذَا خَاطَبَهُمُ الْجَاهِلُونَ قَالُوا سَلَامًا
At ang mga alipin ng Pinakamapagpala (Allah) ay sila na lumalakad sa kalupaan ng may kapakumbabaan at katahimikan (pino sa pagkilos at pagsasalita), at kung ang luku-luko ay nangungusap sa kanila (ng masasamang salita), sila ay sumasagot sa pangungusap ng may kahinahunan
وَالَّذِينَ يَبِيتُونَ لِرَبِّهِمْ سُجَّدًا وَقِيَامًا
At sila na gumugugol sa kahabaan ng gabi sa harapan ng kanilang Panginoon, na nagpapatirapa at nakatayo
وَالَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا اصْرِفْ عَنَّا عَذَابَ جَهَنَّمَ ۖ إِنَّ عَذَابَهَا كَانَ غَرَامًا
At sa mga nagsasabi: “o aming Panginoon! Iadya (Ninyo) sa amin ang kaparusahan ng Impiyerno. Katotohanan! Ang Pagpaparusa nito ay lalagi nang hindi magbabawa at mananatili na kaparusahan

Choose other languages: