Surah Al-Furqan Ayahs #46 Translated in Filipino
إِنْ كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنْ آلِهَتِنَا لَوْلَا أَنْ صَبَرْنَا عَلَيْهَا ۚ وَسَوْفَ يَعْلَمُونَ حِينَ يَرَوْنَ الْعَذَابَ مَنْ أَضَلُّ سَبِيلًا
“Halos malapit na niya tayong nailihis sa ating aliah (mga diyos), kung hindi lamang tayo naging matiyaga at matiim sa ating pagsamba sa kanila!” At kung makita na nila ang kaparusahan, kanilang mapag-aalaman kung sino ang higit na napaligaw sa (Tamang) Landas
أَرَأَيْتَ مَنِ اتَّخَذَ إِلَٰهَهُ هَوَاهُ أَفَأَنْتَ تَكُونُ عَلَيْهِ وَكِيلًا
Namamalas mo ba siya (o Muhammad) na nagturing sa kanyang pagnanasa bilang kanyang ilah (diyos)? Ikaw ba ay magiging wakil (nangangalagang patnubay) para sa kanya
أَمْ تَحْسَبُ أَنَّ أَكْثَرَهُمْ يَسْمَعُونَ أَوْ يَعْقِلُونَ ۚ إِنْ هُمْ إِلَّا كَالْأَنْعَامِ ۖ بَلْ هُمْ أَضَلُّ سَبِيلًا
o ikaw ba ay nag-aakala na sila ay nakakarinig at nakakaunawa? Sila ay katulad lamang ng mga hayop (bakahan); hindi, sila ay higit na nalayo at napaligaw sa Landas (alalaong baga, sila ay higit pang masahol kaysa sa bakahan)
أَلَمْ تَرَ إِلَىٰ رَبِّكَ كَيْفَ مَدَّ الظِّلَّ وَلَوْ شَاءَ لَجَعَلَهُ سَاكِنًا ثُمَّ جَعَلْنَا الشَّمْسَ عَلَيْهِ دَلِيلًا
Hindi mo ba napagmasdan kung paano inilatag ng iyong Panginoon ang anino (o lilim)? Kung Kanyang ninais, magagawa Niya ito na hindi tumitinag, - at matapos ay ginawa Namin ang araw na kanyang maging gabay (alalaong baga, pagkatapos nang pagsikat ng araw, [ang anino o lilim] ay sumisiksik at naglalaho sa tanghaling tapat, at muli, ito ay lilitaw kung kumikiling na ang araw, at kung wala ang liwanag ng araw, ay hindi magkakaroon ng anino o lilim
ثُمَّ قَبَضْنَاهُ إِلَيْنَا قَبْضًا يَسِيرًا
At pagkatapos ay ikinubli Namin ito sa Aming Sarili, - unti-unting nakukubli nang nakalingid
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
