Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Bayyina Ayahs #8 Translated in Filipino

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ وَالْمُشْرِكِينَ فِي نَارِ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ أُولَٰئِكَ هُمْ شَرُّ الْبَرِيَّةِ
Katotohanan, sila na hindi sumasampalataya (sa relihiyong Islam, sa Qur’an at kay Propeta Muhammad) sa lipon ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) at mga Pagano (mapagsamba sa mga diyus-diyosan), ay mananahan sa Apoy ng Impiyerno. Sila ang pinakamasama sa lahat ng mga nilalang
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ أُولَٰئِكَ هُمْ خَيْرُ الْبَرِيَّةِ
Katotohanan, sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, kasama na rito ang lahat ng mga katungkulang ipinag-uutos sa Islam) at nagsisigawa ng matutuwid at mabubuting gawa, sila ang pinakamainam sa lahat ng mga nilalang
جَزَاؤُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ جَنَّاتُ عَدْنٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۖ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ ۚ ذَٰلِكَ لِمَنْ خَشِيَ رَبَّهُ
Ang kanilang gantimpala sa kanilang Panginoon ay Halamanan ng Kawalang Hanggan (Paraiso), na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, mananahan sila rito magpakailanman, si Allah ay tunay na nalulugod sa Kanila, gayundin naman sila kay Allah. Ito ay para sa kanya na may pangangamba kay Allah

Choose other languages: