Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #75 Translated in Filipino

قَالَ إِنَّهُ يَقُولُ إِنَّهَا بَقَرَةٌ لَا ذَلُولٌ تُثِيرُ الْأَرْضَ وَلَا تَسْقِي الْحَرْثَ مُسَلَّمَةٌ لَا شِيَةَ فِيهَا ۚ قَالُوا الْآنَ جِئْتَ بِالْحَقِّ ۚ فَذَبَحُوهَا وَمَا كَادُوا يَفْعَلُونَ
Si (Moises) ay nagsabi: “Katotohanang Kanyang (Allah) winika: Ito ay isang baka na hindi pa natuturuang magbungkal ng lupa o magdilig ng bukirin, matatag, at walang anumang mantsa maliban sa marikit na dilaw.” Sila ay nagsabi: “Ngayon, ikaw ay naghatid ng katotohanan.” Kaya’t kanilang kinatay ito bagama’t sila ay nag-aatubili na ito ay gawin
وَإِذْ قَتَلْتُمْ نَفْسًا فَادَّارَأْتُمْ فِيهَا ۖ وَاللَّهُ مُخْرِجٌ مَا كُنْتُمْ تَكْتُمُونَ
At alalahanin nang inyong patayin ang isang tao at kayo ay nagsipagtalo-talo sa isa’t isa tungkol sa krimen. Datapuwa’t inilantad ni Allah ang inyong inililingid
فَقُلْنَا اضْرِبُوهُ بِبَعْضِهَا ۚ كَذَٰلِكَ يُحْيِي اللَّهُ الْمَوْتَىٰ وَيُرِيكُمْ آيَاتِهِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ
Kaya’t Aming winika: “Inyong hampasin siya (ang patay na katawan) ng isang piraso (ng kinatay na baka).” Sa ganito ibinabalik ni Allah ang patay sa pagkabuhay at ipinamamalas Niya sa inyo ang Kanyang Ayat (kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.) upang kayo ay magkaroon ng pang-unawa
ثُمَّ قَسَتْ قُلُوبُكُمْ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ فَهِيَ كَالْحِجَارَةِ أَوْ أَشَدُّ قَسْوَةً ۚ وَإِنَّ مِنَ الْحِجَارَةِ لَمَا يَتَفَجَّرُ مِنْهُ الْأَنْهَارُ ۚ وَإِنَّ مِنْهَا لَمَا يَشَّقَّقُ فَيَخْرُجُ مِنْهُ الْمَاءُ ۚ وَإِنَّ مِنْهَا لَمَا يَهْبِطُ مِنْ خَشْيَةِ اللَّهِ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ
Ngunit pagkaraan nito, ang inyong puso ay tumigas at naging bato at higit na naging malala sa katigasan. At katotohanang may mga batuhan na sa ibabaw nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, at ang iba, kung ito ay mabiyak, ay binubukalan ng tubig at katotohanang ang ibang (bato) ay nalalaglag dahil sa pagkatakot kay Allah. At si Allah ay walang hindi nalalaman sa inyong ginagawa
أَفَتَطْمَعُونَ أَنْ يُؤْمِنُوا لَكُمْ وَقَدْ كَانَ فَرِيقٌ مِنْهُمْ يَسْمَعُونَ كَلَامَ اللَّهِ ثُمَّ يُحَرِّفُونَهُ مِنْ بَعْدِ مَا عَقَلُوهُ وَهُمْ يَعْلَمُونَ
Kayo ba (na mga matatapat na sumasampalataya) ay umaasa na sila ay sasampalataya sa inyong relihiyon, kahima’t ang ilang pangkat sa lipon nila (ang mga Hudyo na may kaalaman) ay palaging nakakarinig ng Salita ni Allah (ang Torah [mga Batas]); at sila ay tandisang nagbabago nito, matapos na ito ay kanilang maunawaan

Choose other languages: