Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #23 Translated in Filipino

أَوْ كَصَيِّبٍ مِنَ السَّمَاءِ فِيهِ ظُلُمَاتٌ وَرَعْدٌ وَبَرْقٌ يَجْعَلُونَ أَصَابِعَهُمْ فِي آذَانِهِمْ مِنَ الصَّوَاعِقِ حَذَرَ الْمَوْتِ ۚ وَاللَّهُ مُحِيطٌ بِالْكَافِرِينَ
(At ang isa pang kahalintulad) ay ang mabigat na ulap sa alapaap; naririto ang kadiliman, ang kulog at kidlat. Idinidiin nila ang kanilang mga daliri sa kanilang mga tainga upang hindi nila marinig ang nakakabinging pagkidlat dahilan sa kanilang pangangamba sa kamatayan. Datapuwa’t si Allah ang nakakasakop sa mga hindi sumasampalataya
يَكَادُ الْبَرْقُ يَخْطَفُ أَبْصَارَهُمْ ۖ كُلَّمَا أَضَاءَ لَهُمْ مَشَوْا فِيهِ وَإِذَا أَظْلَمَ عَلَيْهِمْ قَامُوا ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَذَهَبَ بِسَمْعِهِمْ وَأَبْصَارِهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Ang kidlat ay halos umagaw na ng kanilang paningin; sa anumang sandali na ito ay sumisilaw sa kanila; sila ay nagsisilakad dito; at nang ang kadiliman ay lumukob sa kanila, sila ay napatigil na hindi kumikilos. At kung ninais lamang ni Allah, magagawa Niyang kunin ang kanilang pandinig at paningin; sapagkat si Allah ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay
يَا أَيُّهَا النَّاسُ اعْبُدُوا رَبَّكُمُ الَّذِي خَلَقَكُمْ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
o sangkatauhan! Sambahin ninyo ang Tagapangalaga ninyong Panginoon na lumikha sa inyo at sa mga nangauna sa inyo upang kayo ay maging matuwid
الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ فِرَاشًا وَالسَّمَاءَ بِنَاءً وَأَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجَ بِهِ مِنَ الثَّمَرَاتِ رِزْقًا لَكُمْ ۖ فَلَا تَجْعَلُوا لِلَّهِ أَنْدَادًا وَأَنْتُمْ تَعْلَمُونَ
Na lumikha sa kalupaan bilang inyong himlayan at ng mga alapaap bilang inyong silungan at nagpamalisbis ng ulan mula sa mga alapaap at nagpasibol dito (sa kalupaan) ng mga bungangkahoy bilang inyong ikabubuhay. Kaya’t huwag kayong magtambal ng anupaman kay Allah kung batid ninyo (ang katotohanan)
وَإِنْ كُنْتُمْ فِي رَيْبٍ مِمَّا نَزَّلْنَا عَلَىٰ عَبْدِنَا فَأْتُوا بِسُورَةٍ مِنْ مِثْلِهِ وَادْعُوا شُهَدَاءَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
At kung kayo (na mga paganong Arabo, mga Hudyo at Kristiyano) ay nag-aalinlangan tungkol sa Aming ipinahayag sa Aming alipin (na si Muhammad), kung gayon, kayo ay gumawa ng isang surah (kabanata) na katulad nito at tawagin ninyo ang inyong mga saksi at kawaksi tangi pa kay Allah kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan

Choose other languages: