Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #161 Translated in Filipino

أُولَٰئِكَ عَلَيْهِمْ صَلَوَاتٌ مِنْ رَبِّهِمْ وَرَحْمَةٌ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُهْتَدُونَ
Sila ang mga tumatanggap ng Salawat (mga biyaya at kapatawaran) mula sa kanilang Panginoon at sila ang tumatanggap ng Habag at sila ang tunay na napapatnubayan
إِنَّ الصَّفَا وَالْمَرْوَةَ مِنْ شَعَائِرِ اللَّهِ ۖ فَمَنْ حَجَّ الْبَيْتَ أَوِ اعْتَمَرَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِ أَنْ يَطَّوَّفَ بِهِمَا ۚ وَمَنْ تَطَوَّعَ خَيْرًا فَإِنَّ اللَّهَ شَاكِرٌ عَلِيمٌ
Pagmasdan! Katotohanan, ang As-Safa at Al-Marwa (dalawang bundok sa Makkah) ay ilan sa mga Tanda ni Allah. Kaya’t hindi isang kasalanan sa mga nais magsagawa ng Hajj (Pilgrimahe) o Umrah (Maigsing Pilgrimahe) sa Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah) na magsagawa ng paglalakad sa pagitan nito (As-Safa at Al-Marwa). At kung sinuman ang gumawa ng kabutihan sa kanyang sariling kusa, katotohanang si Allah ang Higit na Nakakakilala, ang Ganap na Maalam
إِنَّ الَّذِينَ يَكْتُمُونَ مَا أَنْزَلْنَا مِنَ الْبَيِّنَاتِ وَالْهُدَىٰ مِنْ بَعْدِ مَا بَيَّنَّاهُ لِلنَّاسِ فِي الْكِتَابِ ۙ أُولَٰئِكَ يَلْعَنُهُمُ اللَّهُ وَيَلْعَنُهُمُ اللَّاعِنُونَ
Katotohanan, ang mga naglilingid ng maliliwanag na katibayan at patnubay na Aming ipinanaog, matapos na ito ay Aming ginawa na maging maliwanag sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), sila ang mga sinusumpa ni Allah at isinusumpa ng mga manunumpa
إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا وَأَصْلَحُوا وَبَيَّنُوا فَأُولَٰئِكَ أَتُوبُ عَلَيْهِمْ ۚ وَأَنَا التَّوَّابُ الرَّحِيمُ
Maliban sa mga nagsisisi at nagsisigawa ng kabutihan at lantad na nagpapahayag (ng katotohanan). Sa kanila, Ako ay tatanggap ng kanilang pagtitika. Sapagkat Ako ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagtitika, ang Pinakamaawain
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَمَاتُوا وَهُمْ كُفَّارٌ أُولَٰئِكَ عَلَيْهِمْ لَعْنَةُ اللَّهِ وَالْمَلَائِكَةِ وَالنَّاسِ أَجْمَعِينَ
Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya at namatay habang sila ay walang pananampalataya, sasakanila ang sumpa ni Allah, gayundin ang sumpa ng mga anghel at ng sangkatauhan (nang sama-sama)

Choose other languages: