Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #159 Translated in Filipino

وَلَنَبْلُوَنَّكُمْ بِشَيْءٍ مِنَ الْخَوْفِ وَالْجُوعِ وَنَقْصٍ مِنَ الْأَمْوَالِ وَالْأَنْفُسِ وَالثَّمَرَاتِ ۗ وَبَشِّرِ الصَّابِرِينَ
At katiyakang kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na tulad ng pangamba at pagkagutom, ang ilan ay pagkalugi sa hanapbuhay, pagkawala ng buhay at bunga (ng inyong pinaghirapan), datapuwa’t magbigay ng magandang balita sa mga matimtiman sa pagbabata
الَّذِينَ إِذَا أَصَابَتْهُمْ مُصِيبَةٌ قَالُوا إِنَّا لِلَّهِ وَإِنَّا إِلَيْهِ رَاجِعُونَ
Na nagsasabi kung sila ay nakakaranas ng kapinsalaan: “Kami ay nagmula kay Allah at sa Kanya ang aming pagbabalik.”
أُولَٰئِكَ عَلَيْهِمْ صَلَوَاتٌ مِنْ رَبِّهِمْ وَرَحْمَةٌ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُهْتَدُونَ
Sila ang mga tumatanggap ng Salawat (mga biyaya at kapatawaran) mula sa kanilang Panginoon at sila ang tumatanggap ng Habag at sila ang tunay na napapatnubayan
إِنَّ الصَّفَا وَالْمَرْوَةَ مِنْ شَعَائِرِ اللَّهِ ۖ فَمَنْ حَجَّ الْبَيْتَ أَوِ اعْتَمَرَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِ أَنْ يَطَّوَّفَ بِهِمَا ۚ وَمَنْ تَطَوَّعَ خَيْرًا فَإِنَّ اللَّهَ شَاكِرٌ عَلِيمٌ
Pagmasdan! Katotohanan, ang As-Safa at Al-Marwa (dalawang bundok sa Makkah) ay ilan sa mga Tanda ni Allah. Kaya’t hindi isang kasalanan sa mga nais magsagawa ng Hajj (Pilgrimahe) o Umrah (Maigsing Pilgrimahe) sa Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah) na magsagawa ng paglalakad sa pagitan nito (As-Safa at Al-Marwa). At kung sinuman ang gumawa ng kabutihan sa kanyang sariling kusa, katotohanang si Allah ang Higit na Nakakakilala, ang Ganap na Maalam
إِنَّ الَّذِينَ يَكْتُمُونَ مَا أَنْزَلْنَا مِنَ الْبَيِّنَاتِ وَالْهُدَىٰ مِنْ بَعْدِ مَا بَيَّنَّاهُ لِلنَّاسِ فِي الْكِتَابِ ۙ أُولَٰئِكَ يَلْعَنُهُمُ اللَّهُ وَيَلْعَنُهُمُ اللَّاعِنُونَ
Katotohanan, ang mga naglilingid ng maliliwanag na katibayan at patnubay na Aming ipinanaog, matapos na ito ay Aming ginawa na maging maliwanag sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), sila ang mga sinusumpa ni Allah at isinusumpa ng mga manunumpa

Choose other languages: