Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #66 Translated in Filipino

أُبَلِّغُكُمْ رِسَالَاتِ رَبِّي وَأَنْصَحُ لَكُمْ وَأَعْلَمُ مِنَ اللَّهِ مَا لَا تَعْلَمُونَ
Aking ipinararating sa inyo ang mga mensahe ng aking Panginoon at nagbibigay sa inyo ng matapat na pagpapayo. At aking nababatid mula kay Allah ang hindi ninyo nalalaman
أَوَعَجِبْتُمْ أَنْ جَاءَكُمْ ذِكْرٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ مِنْكُمْ لِيُنْذِرَكُمْ وَلِتَتَّقُوا وَلَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ
Kayo baga ay nagsisipamangha na may dumatal sa inyo na isang Paala-ala mula sa inyong Panginoon sa pamamagitan ng isang tao sa inyong lipon, upang kayo ay kanyang mabigyan ng babala, upang inyong pangambahan si Allah at upang inyong matanggap ang (Kanyang) Habag?”
فَكَذَّبُوهُ فَأَنْجَيْنَاهُ وَالَّذِينَ مَعَهُ فِي الْفُلْكِ وَأَغْرَقْنَا الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا عَمِينَ
Datapuwa’t sila ay nagpasinungaling sa kanya, kaya’t Aming iniligtas siya at ang mga kasama niya sa barko at Aming nilunod sila na nagpabulaan sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.). Katotohanang sila ay mga bulag na tao
وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًا ۗ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ
At (sa pamayanan) ni A’ad (ay Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Hud, siya ay nagbadya: “O aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah! wala na kayong iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. (La ilaha ill Allah: Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Hindi baga kayo nangangamba (kay Allah)?”
قَالَ الْمَلَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَوْمِهِ إِنَّا لَنَرَاكَ فِي سَفَاهَةٍ وَإِنَّا لَنَظُنُّكَ مِنَ الْكَاذِبِينَ
Ang mga pinuno ng mga hindi sumasampalataya sa lipon ng kanyang mga tao (pamayanan) ay nagsabi: “Katotohanang namamalas ka namin sa kalokohan, at katotohanang kami ay nag-iisip na ikaw ay isa sa mga sinungaling.”

Choose other languages: