Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #170 Translated in Filipino

فَلَمَّا عَتَوْا عَنْ مَا نُهُوا عَنْهُ قُلْنَا لَهُمْ كُونُوا قِرَدَةً خَاسِئِينَ
Kaya’t nang sila ay lumagpas na sa mga hangganan ng bagay na ipinagbabawal sa kanila, Kami ay nagwika sa kanila: “Maging unggoy kayo, na kinasusuklaman at itinatakwil.” (Ito ay isang mabigat na babala sa sangkatauhan na sila ay hindi marapat na sumuway sa bagay na ipinag-uutos sa kanila ni Allah, at maging malayo sa bagay na Kanyang ipinagbabawal)
وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكَ لَيَبْعَثَنَّ عَلَيْهِمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَنْ يَسُومُهُمْ سُوءَ الْعَذَابِ ۗ إِنَّ رَبَّكَ لَسَرِيعُ الْعِقَابِ ۖ وَإِنَّهُ لَغَفُورٌ رَحِيمٌ
At (alalahanin) nang ang inyong Panginoon ay magpahayag na katiyakang magpapatuloy Siya sa pagpaparating (ng sumpa o kaparusahan) laban sa kanila (alalaong baga, ang mga Hudyo), hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sila na nagbibigay pasakit sa kanila (mga sumasampalataya) ng kaaba-abang kaparusahan. Katotohanan, ang inyong Panginoon ay Maagap sa Pagbabayad (sa mga palasuway, buhong, atbp.) at katiyakang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain (sa mga masunurin at naninikluhod sa kapatawaran ni Allah)
وَقَطَّعْنَاهُمْ فِي الْأَرْضِ أُمَمًا ۖ مِنْهُمُ الصَّالِحُونَ وَمِنْهُمْ دُونَ ذَٰلِكَ ۖ وَبَلَوْنَاهُمْ بِالْحَسَنَاتِ وَالسَّيِّئَاتِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ
At Aming pinagbaha-bahagi sila (alalaong baga, ang mga Hudyo) sa maraming pangkatin dito sa kalupaan, ang ilan sa kanila ay matutuwid at ang iba ay malayo (sa katuwiran). At Aming sinubukan sila ng mabubuting (biyaya) at kasamaan (mga kapinsalaan), upang sila ay bumaling (sa kapatawaran ni Allah)
فَخَلَفَ مِنْ بَعْدِهِمْ خَلْفٌ وَرِثُوا الْكِتَابَ يَأْخُذُونَ عَرَضَ هَٰذَا الْأَدْنَىٰ وَيَقُولُونَ سَيُغْفَرُ لَنَا وَإِنْ يَأْتِهِمْ عَرَضٌ مِثْلُهُ يَأْخُذُوهُ ۚ أَلَمْ يُؤْخَذْ عَلَيْهِمْ مِيثَاقُ الْكِتَابِ أَنْ لَا يَقُولُوا عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ وَدَرَسُوا مَا فِيهِ ۗ وَالدَّارُ الْآخِرَةُ خَيْرٌ لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
At pagkaraan nila ay sumunod ang (isang masamang) saling lahi na nakamana sa Aklat, datapuwa’t pinili nila (sa kanilang sarili) ang mga paninda ng payak (o mababang) buhay (ang masamang ligaya ng mundong ito) na nagsasabi (bilang pagdadahilan): “(Ang lahat ng bagay) ay ipatatawad sa atin.” At kung sakaling (muli), na ang katulad na alay (ng masamang ligaya ng mundong ito) ay dumatal sa kanila, muli silang mananamantala na gawin ito (gagawin nila ang mga kasalanang yaon). Hindi baga ang kasunduan ng Aklat ay kinuha sa kanila, na hindi sila magsasalita ng anuman tungkol kay Allah maliban sa katotohanan? At sila ay nag- aral kung ano ang nasa loob nito (ng Aklat). At ang Tahanan ng Kabilang Buhay ay higit na mainan sa Al-Muttaqun (mga matimtimang tao sa kabanalan at mapaggawa ng mga kabutihan at masunurin kay Allah). Hindi baga kayo nakakaunawa
وَالَّذِينَ يُمَسِّكُونَ بِالْكِتَابِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجْرَ الْمُصْلِحِينَ
At sa kanila na nananangan nang matimtiman sa Aklat (alalaong baga, gumagawa ng ayon sa mga turo nito), at nag-aalay ng pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-us-Salat), katiyakang hindi Namin kailanman sasayangin ang gantimpala ng mga gumagawa ng kabutihan

Choose other languages: