Surah Al-Araf Ayahs #158 Translated in Filipino
وَلَمَّا سَكَتَ عَنْ مُوسَى الْغَضَبُ أَخَذَ الْأَلْوَاحَ ۖ وَفِي نُسْخَتِهَا هُدًى وَرَحْمَةٌ لِلَّذِينَ هُمْ لِرَبِّهِمْ يَرْهَبُونَ
At nang ang poot ni Moises ay humupa na, kanyang kinuha ang mga Tableta (Kalatas), ang mga nasusulat (dito) ay patnubay at habag sa mga may pangangamba sa kanilang Panginoon
وَاخْتَارَ مُوسَىٰ قَوْمَهُ سَبْعِينَ رَجُلًا لِمِيقَاتِنَا ۖ فَلَمَّا أَخَذَتْهُمُ الرَّجْفَةُ قَالَ رَبِّ لَوْ شِئْتَ أَهْلَكْتَهُمْ مِنْ قَبْلُ وَإِيَّايَ ۖ أَتُهْلِكُنَا بِمَا فَعَلَ السُّفَهَاءُ مِنَّا ۖ إِنْ هِيَ إِلَّا فِتْنَتُكَ تُضِلُّ بِهَا مَنْ تَشَاءُ وَتَهْدِي مَنْ تَشَاءُ ۖ أَنْتَ وَلِيُّنَا فَاغْفِرْ لَنَا وَارْحَمْنَا ۖ وَأَنْتَ خَيْرُ الْغَافِرِينَ
At si Moises ay humirang sa kanyang pamayanan ng pitumpong (pinakamahuhusay) na lalaki tungo sa Aming natatakdaang oras at lugar ng pakikipagtipan, at nang sila ay sakmalin ng isang matinding lindol, siya ay nagsabi: “o aking Panginoon, kung ito ay Inyo lamang ninais, sila at ako ay maaari Ninyong wasakin kahit noon pa, kami ba ay wawasakin Ninyo dahilan sa mga gawa ng mga buktot sa lipon namin? Tanging sa pamamagitan lamang ng Inyong pagsubok Kayo ay namamatnubay sa sinumang Inyong maibigan, at nagliligaw at namamatnubay sa sinumang Inyong naisin. Kayo po ang aming Wali (Tagapangalaga), kaya’t Inyong patawarin kami at bigyan ng Habag, sapagkat Kayo ang Pinakamainam sa mga nagpapatawad
وَاكْتُبْ لَنَا فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ إِنَّا هُدْنَا إِلَيْكَ ۚ قَالَ عَذَابِي أُصِيبُ بِهِ مَنْ أَشَاءُ ۖ وَرَحْمَتِي وَسِعَتْ كُلَّ شَيْءٍ ۚ فَسَأَكْتُبُهَا لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَالَّذِينَ هُمْ بِآيَاتِنَا يُؤْمِنُونَ
At ipagkaloob Ninyo sa amin ang mabuti sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. Katiyakang kami ay bumabaling sa Inyo.” Siya (Allah) ay nagwika: “(At sa) Aking kaparusahan, Aking binibigyang sakit ang sinumang Aking maibigan at ang Aking Habag ay nakakasakop sa lahat ng bagay. Ang (Habag) na ito ay Aking itatalaga sa Muttaqun (mga matimtiman at matutuwid na tao na umiiwas sa lahat ng masama at gumagawa ng lahat ng mabuti), at sa nagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa); at sa mga nananalig sa Aming Ayat (mga katibayan, aral, tanda, kapahayagan, atbp)
الَّذِينَ يَتَّبِعُونَ الرَّسُولَ النَّبِيَّ الْأُمِّيَّ الَّذِي يَجِدُونَهُ مَكْتُوبًا عِنْدَهُمْ فِي التَّوْرَاةِ وَالْإِنْجِيلِ يَأْمُرُهُمْ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَاهُمْ عَنِ الْمُنْكَرِ وَيُحِلُّ لَهُمُ الطَّيِّبَاتِ وَيُحَرِّمُ عَلَيْهِمُ الْخَبَائِثَ وَيَضَعُ عَنْهُمْ إِصْرَهُمْ وَالْأَغْلَالَ الَّتِي كَانَتْ عَلَيْهِمْ ۚ فَالَّذِينَ آمَنُوا بِهِ وَعَزَّرُوهُ وَنَصَرُوهُ وَاتَّبَعُوا النُّورَ الَّذِي أُنْزِلَ مَعَهُ ۙ أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
Sila na sumusunod sa Tagapagbalita, ang Propeta na hindi nakakabasa at hindi nakakasulat (Muhammad) na kanilang matatagpuan na nasusulat sa Torah (mga Batas) at sa Ebanghelyo, - siya ay nagtatagubilin sa kanila ng Al-Ma’ruf (ang Kaisahan ni Allah at lahat ng Kanyang mga ipinag-uutos) at nagbabawal sa kanila sa Al-Munkar (kawalan ng paniniwala, pagsamba sa diyus-diyosan at lahat ng masasama na ipinagbabawal sa Islam); kanyang pinahihintulutan sila sa At-Tayyibat ([lahat ng mabuti at pinapayagan], tungkol sa mga bagay-bagay, mga gawa, mga paniniwala, mga tao, mga pagkain, atbp.), at nagbabawal sa kanila sa mga hindi pinahihintulutan, bilang Al-Khabaith (ang lahat ng kasamaan at hindi pinahihintulutan tungkol sa mga bagay-bagay, mga gawa, mga paniniwala, mga tao, mga pagkain, atbp.), kanyang niluluwagan sila sa mabibigat na pasanin (ng Kasunduan kay Allah), at sa mga tanikala (ng pananagutan) na nakaatang sa kanila. Kaya’t sa kanila na nananalig sa kanya (Muhammad), inyong parangalan siya, tulungan siya at sundin ang Liwanag (ang Qur’an) na ipinanaog sa kanya, (at) sila ang magiging matatagumpay
قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ جَمِيعًا الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ فَآمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ النَّبِيِّ الْأُمِّيِّ الَّذِي يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَكَلِمَاتِهِ وَاتَّبِعُوهُ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “o sangkatauhan! Katotohanang ako ay isinugo sa inyong lahat bilang isang Tagapagbalita ni Allah, - Siya na nag-aangkin ng kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan. La ilah ill Allah (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah); Siya ang naggagawad ng buhay at nagpapapangyari sa kamatayan. Kaya’t manampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), ang Propeta na hindi nakakabasa at hindi nakakasulat (Muhammad), na sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Salita (sa Qur’an, sa Torah [mga Batas] at sa Ebanghelyo at gayundin sa Salita ni Allah na: ‘Mangyari nga!’ At nangyari nga, alalaong baga, si Hesus na anak ni Maria), at siya ay inyong sundin upang kayo ay mapatnubayan.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
