Surah Al-Araf Ayahs #151 Translated in Filipino
وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَلِقَاءِ الْآخِرَةِ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ ۚ هَلْ يُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Sila na nagtatatwa ng Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) at ng Pakikipagtipan sa Kabilang Buhay (Araw ng Muling Pagkabuhay), walang saysay ang kanilang mga gawa. Sila baga’y umaasam na sila ay gagantimpalaan ng anuman maliban sa kung ano ang kanilang ginawa
وَاتَّخَذَ قَوْمُ مُوسَىٰ مِنْ بَعْدِهِ مِنْ حُلِيِّهِمْ عِجْلًا جَسَدًا لَهُ خُوَارٌ ۚ أَلَمْ يَرَوْا أَنَّهُ لَا يُكَلِّمُهُمْ وَلَا يَهْدِيهِمْ سَبِيلًا ۘ اتَّخَذُوهُ وَكَانُوا ظَالِمِينَ
At ang pamayanan ni Moises ay gumawa, samantalang siya ay wala, mula sa kanilang mga palamuti (alahas), ng isang imahen ng baka (upang sambahin). Ito ay mayroong tunog (na wari bang umuunga). Hindi ba nila napagmamalas na ito ay hindi nakakapagsalita sa kanila at hindi rin makakapamatnubay sa kanila sa (tuwid) na landas? Tinangkilik nila ito bilang sinasamba at sila ay Zalimun (mga mapaggawa ng kamalian, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, tampalasan, buhong, atbp)
وَلَمَّا سُقِطَ فِي أَيْدِيهِمْ وَرَأَوْا أَنَّهُمْ قَدْ ضَلُّوا قَالُوا لَئِنْ لَمْ يَرْحَمْنَا رَبُّنَا وَيَغْفِرْ لَنَا لَنَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ
At nang sila ay nagsisi (sa kamalian) at kanilang namasdan na sila ay napaligaw nang malayo, sila (ay nagtika at) nagsabi: “Kung ang aming Panginoon ay walang habag sa amin at kami ay hindi (Niya) patatawarin, katiyakang kami ay magiging mga talunan.”
وَلَمَّا رَجَعَ مُوسَىٰ إِلَىٰ قَوْمِهِ غَضْبَانَ أَسِفًا قَالَ بِئْسَمَا خَلَفْتُمُونِي مِنْ بَعْدِي ۖ أَعَجِلْتُمْ أَمْرَ رَبِّكُمْ ۖ وَأَلْقَى الْأَلْوَاحَ وَأَخَذَ بِرَأْسِ أَخِيهِ يَجُرُّهُ إِلَيْهِ ۚ قَالَ ابْنَ أُمَّ إِنَّ الْقَوْمَ اسْتَضْعَفُونِي وَكَادُوا يَقْتُلُونَنِي فَلَا تُشْمِتْ بِيَ الْأَعْدَاءَ وَلَا تَجْعَلْنِي مَعَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ
At nang si Moises ay magbalik sa kanyang pamayanan, na may galit at nagdadalamhati, siya ay nagsabi: “Isang masamang bagay ang inyong ginawa (alalaong baga, ang pagsamba sa imaheng baka) habang ako ay wala. Kayo baga’y nagmadali at nanguna na ipalabas ang kahatulan ng inyong Panginoon (nang iniwan ninyo ang pagsamba sa Kanya)? At kanyang ipinukol ang mga Tableta (Kalatas) at kanyang sinakmal ang kanyang kapatid (sa buhok) ng kanyang ulo at kanyang kinaladkad siya patungo sa kanya. Si Aaron ay nagsabi: “O anak ng aking ina! Katotohanan, ang mga tao ay naghusga sa akin (na ako ay) mahina at malapit na nila akong patayin, kaya’t huwag mong hayaan ang mga kaaway ay mangagalak sa akin, gayundin, ako ay huwag mong isama sa lipon ng mga tao na Zalimun (mga buktot at tampalasan, makasalanan, atbp.).”
قَالَ رَبِّ اغْفِرْ لِي وَلِأَخِي وَأَدْخِلْنَا فِي رَحْمَتِكَ ۖ وَأَنْتَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ
Si Moises ay nagsabi: “o aking Panginoon! Inyong patawarin ako at ang aking kapatid, at kami ay hayaan Ninyong makapasok sa Inyong Habag, sapagkat Kayo ang Pinakamaawain sa mga nagpapamalas ng habag.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
