Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Ankabut Ayahs #29 Translated in Filipino

وَقَالَ إِنَّمَا اتَّخَذْتُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْثَانًا مَوَدَّةَ بَيْنِكُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ ثُمَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يَكْفُرُ بَعْضُكُمْ بِبَعْضٍ وَيَلْعَنُ بَعْضُكُمْ بَعْضًا وَمَأْوَاكُمُ النَّارُ وَمَا لَكُمْ مِنْ نَاصِرِينَ
At (si Abraham) ay nagbadya: “At kayo, inyong tinangkilik (upang sambahin) ang mga diyus- diyosan at imahen sa halip na si Allah, dahilan sa inyong magkasalong pagmamahal at pagmamalasakit sa inyong sarili sa makamundong buhay na ito; datapuwa’t sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay itatatwa ninyo ang bawat isa at susumpain ang bawat isa, at ang inyong magiging tahanan ay Apoy, at walang sinuman ang makakatulong sa inyo.”
فَآمَنَ لَهُ لُوطٌ ۘ وَقَالَ إِنِّي مُهَاجِرٌ إِلَىٰ رَبِّي ۖ إِنَّهُ هُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Kaya’t si Lut ay nanalig sa kanya (sa mensahe ni Abraham, ang Islam at Kaisahan ni Allah). Siya (Abraham) ay nagsabi: “Iiwan ko ang aking tahanan dahil sa kapakanan ng aking Panginoon (Allah). Katotohanang Siya ay Lubos na Makapangyarihan, ang Ganap na Maalam.”
وَوَهَبْنَا لَهُ إِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَجَعَلْنَا فِي ذُرِّيَّتِهِ النُّبُوَّةَ وَالْكِتَابَ وَآتَيْنَاهُ أَجْرَهُ فِي الدُّنْيَا ۖ وَإِنَّهُ فِي الْآخِرَةِ لَمِنَ الصَّالِحِينَ
At iginawad Namin (kay Abraham) si Isaac at Hakob, at (Aming) itinakda sa kanyang mga lahi ang pagka-Propeta at Kapahayagan (alalaong baga, ang Torah [mga Batas] kay Moises, ang Ebanghelyo kay Hesus, ang Qur’an kay Muhammad, lahat sila ay mula sa angkan ni Abraham), at ipinagkaloob Namin sa kanya ang kanyang gantimpala sa buhay na ito, at katotohanang siya ay mapapabilang sa lipon ng mga matutuwid sa Kabilang Buhay
وَلُوطًا إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ إِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الْفَاحِشَةَ مَا سَبَقَكُمْ بِهَا مِنْ أَحَدٍ مِنَ الْعَالَمِينَ
At (alalahanin) si Lut, at pagmalasin; nang kanyang sabihin sa kanyang mga tao: “Kayo ay nagsisigawa ng Al- Fahishah (kalaswaan, ang sodomya, na isang malaking kasalanan) na wala pang tao sa mga nilalang (sa mundong ito) ang nakagawa nito nang una pa sa inyo”
أَئِنَّكُمْ لَتَأْتُونَ الرِّجَالَ وَتَقْطَعُونَ السَّبِيلَ وَتَأْتُونَ فِي نَادِيكُمُ الْمُنْكَرَ ۖ فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَنْ قَالُوا ائْتِنَا بِعَذَابِ اللَّهِ إِنْ كُنْتَ مِنَ الصَّادِقِينَ
Katotohanan, tunay ngang nilalapitan ninyo ang mga lalaki (sodomya), at inyong sinisira ang mga daan at ninanakawan (ang mga naglalakbay)! At inyong isinasagawa ang Al-Munkar (mga kabuktutan, kawalan ng pananalig at pagsamba sa mga diyus-diyosan) sa inyong pagtitipon? Datapuwa’t ang kanyang pamayanan ay hindi sumagot maliban lamang sa pagsasabi ng: “Ibagsak mo sa amin ang poot ni Allah kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.”

Choose other languages: