Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anfal Ayahs #75 Translated in Filipino

وَالَّذِينَ كَفَرُوا بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ إِلَّا تَفْعَلُوهُ تَكُنْ فِتْنَةٌ فِي الْأَرْضِ وَفَسَادٌ كَبِيرٌ
At ang mga hindi sumasampalataya ay magkakatuwang sa isa’t isa, (at) kung kayo (o mga Muslim na sama-sama sa buong daigdig) ay hindi gumawa nito (alalaong baga, hindi naging magkakaanib bilang nagkakaisang lipon na may isang Khalifa, isang pinunong Muslim, sa buong mundo ng mga Muslim, na gagawing magtagumpay ang pananampalataya ni Allah at ipagbubunyi ang Kanyang Kaisahan), sa inyo ay sasapit ang Fitnah (digmaan, labanan, pagsamba sa diyus- diyosan, pagsubok, atbp.) at pang-aapi sa kalupaan, at isang malaking kabuktutan at kasamaan (ang paglitaw ng pagsamba sa mga diyus-diyosan)
وَالَّذِينَ آمَنُوا وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَالَّذِينَ آوَوْا وَنَصَرُوا أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُؤْمِنُونَ حَقًّا ۚ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ
At sila na nagsisampalataya, at lumikas, at nagsikap na mainam sa Kapakanan ni Allah (Al-Jihad, ang maka-Diyos na pakikipaglaban), gayundin ang mga nagbigay (sa kanila) ng masisilungan at tulong; - sila nga ang nananampalataya sa sukdol na katotohanan, sasakanila ang pagpapatawad at Rizqun Karim (isang mabiyayang kasaganaan at panustos, alalaong baga, ang Paraiso)
وَالَّذِينَ آمَنُوا مِنْ بَعْدُ وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا مَعَكُمْ فَأُولَٰئِكَ مِنْكُمْ ۚ وَأُولُو الْأَرْحَامِ بَعْضُهُمْ أَوْلَىٰ بِبَعْضٍ فِي كِتَابِ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
At sila na nagsisampalataya pagkaraan nito, at lumikas, at nagsikap na mainam na kasama ka (O Muhammad sa Landas ni Allah), sila ay nasa iyong panig. Datapuwa’t ang pagkakamag-anak sa dugo ay higit na malapit sa isa’t isa kung hinggil sa pamana, ayon sa kautusan na itinalaga ni Allah. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng bagay

Choose other languages: