Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #90 Translated in Filipino

وَأَدْخَلْنَاهُمْ فِي رَحْمَتِنَا ۖ إِنَّهُمْ مِنَ الصَّالِحِينَ
At Aming tinanggap sila sa Aming Habag. Katotohanang sila ay nasa lipon ng mga matutuwid
وَذَا النُّونِ إِذْ ذَهَبَ مُغَاضِبًا فَظَنَّ أَنْ لَنْ نَقْدِرَ عَلَيْهِ فَنَادَىٰ فِي الظُّلُمَاتِ أَنْ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنْتَ سُبْحَانَكَ إِنِّي كُنْتُ مِنَ الظَّالِمِينَ
At (alalahanin) si Dhan-Nun (Jonah), nang siya ay lumisan na napopoot; na nag-akala na Kami ay walang kapamahalaan sa kanya (upang parusahan siya, alalaong baga, sa mga kalamidad na nangyari sa kanya). Datapuwa’t siya ay nanambitan sa oras ng kalaliman ng gabi (na nagsasabi): “La ilaha illa Anta (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Inyo [Allah]). Higit Kayong Maluwalhati (at Kataas-taasan), sa lahat ng (gayong kasamaan) na kanilang itinatambal (sa Inyo). Katotohanang ako ay nakagawa ng kamalian.”
فَاسْتَجَبْنَا لَهُ وَنَجَّيْنَاهُ مِنَ الْغَمِّ ۚ وَكَذَٰلِكَ نُنْجِي الْمُؤْمِنِينَ
Kaya’t tinugon Namin ang kanyang pagluhog, at Aming iniligtas siya sa kapighatian. Sa gayon Namin inililigtas ang mga sumasampalataya (na nananalig sa Kaisahan ni Allah, umiiwas sa kasamaan at gumagawa ng kabutihan)
وَزَكَرِيَّا إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ رَبِّ لَا تَذَرْنِي فَرْدًا وَأَنْتَ خَيْرُ الْوَارِثِينَ
At (alalahanin) si Zakarias, nang siya ay dumalangin sa kanyang Panginoon: “o aking Panginoon! Ako ay huwag Ninyong pabayaan na nag-iisa (na walang mga anak), bagama’t Kayo ang Pinakamainam sa mga Tagapagmana.”
فَاسْتَجَبْنَا لَهُ وَوَهَبْنَا لَهُ يَحْيَىٰ وَأَصْلَحْنَا لَهُ زَوْجَهُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا يُسَارِعُونَ فِي الْخَيْرَاتِ وَيَدْعُونَنَا رَغَبًا وَرَهَبًا ۖ وَكَانُوا لَنَا خَاشِعِينَ
Kaya’t dininig Namin ang kanyang panambitan at iginawad Namin sa kanya si Juan, at Aming pinagaling ang kanyang asawa (upang magdalang tao) para sa kanya. Katotohanang sila ay lagi nang maagap sa paggawa ng mabubuti, at sila ay laging tumatawag sa Amin ng may pag- asa at pangangamba, at sila ay lagi nang nagpapakumbaba sa Aming harapan

Choose other languages: