Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #84 Translated in Filipino

وَعَلَّمْنَاهُ صَنْعَةَ لَبُوسٍ لَكُمْ لِتُحْصِنَكُمْ مِنْ بَأْسِكُمْ ۖ فَهَلْ أَنْتُمْ شَاكِرُونَ
At siya ay tinuruan Namin nang paggawa ng kalasag mula sa metal (para sa mga digmaan), upang mapangalagaan kayo sa inyong pakikipaglaban. Kayo baga ay magbibigay ng pasasalamat
وَلِسُلَيْمَانَ الرِّيحَ عَاصِفَةً تَجْرِي بِأَمْرِهِ إِلَى الْأَرْضِ الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا ۚ وَكُنَّا بِكُلِّ شَيْءٍ عَالِمِينَ
At kay Solomon, (Aming ipinailalim) sa kanya ang malakas na hangin na nagngangalit, na sumusunod sa kanyang pag-uutos patungo sa lupain na Aming pinagpala. At sa lahat-lahat, Kami ang Ganap na Nakakabatid
وَمِنَ الشَّيَاطِينِ مَنْ يَغُوصُونَ لَهُ وَيَعْمَلُونَ عَمَلًا دُونَ ذَٰلِكَ ۖ وَكُنَّا لَهُمْ حَافِظِينَ
At sa mga demonyo (mula sa mga Jinn), ang ilan sa kanila ay bumulusok para sa kanya, at liban pa rito ay gumawa pa ng ibang gawa; at Kami ang nangalaga sa kanila
وَأَيُّوبَ إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ أَنِّي مَسَّنِيَ الضُّرُّ وَأَنْتَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ
At (alalahanin) si Job, nang siya ay manawagan sa kanyang Panginoon: “Katotohanan, ang hapis ay sumakmal sa akin, at Kayo ang Pinakamaawain sa lahat ng mga nagpapamalas ng Habag.”
فَاسْتَجَبْنَا لَهُ فَكَشَفْنَا مَا بِهِ مِنْ ضُرٍّ ۖ وَآتَيْنَاهُ أَهْلَهُ وَمِثْلَهُمْ مَعَهُمْ رَحْمَةً مِنْ عِنْدِنَا وَذِكْرَىٰ لِلْعَابِدِينَ
Kaya’t Aming tinugon ang kanyang panambitan, at Aming pinalis ang hapis na nasa kanya, at Aming ibinalik ang kanyang pamilya sa kanya (na nawalay sa kanya), at pinag-ibayo ang kanilang bilang (tinipon ang mga katulad niya), bilang isang Habag mula sa Amin at bilang isang Pagpapaala-ala sa mga sumasamba sa Amin

Choose other languages: