Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #43 Translated in Filipino

لَوْ يَعْلَمُ الَّذِينَ كَفَرُوا حِينَ لَا يَكُفُّونَ عَنْ وُجُوهِهِمُ النَّارَ وَلَا عَنْ ظُهُورِهِمْ وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ
Kung ang mga hindi sumasampalataya ay nakakaalam lamang (ng oras), sa sandaling hindi nila maitataboy ang Apoy sa kanilang mukha, gayundin sa kanilang likuran, at sila ay hindi matutulungan
بَلْ تَأْتِيهِمْ بَغْتَةً فَتَبْهَتُهُمْ فَلَا يَسْتَطِيعُونَ رَدَّهَا وَلَا هُمْ يُنْظَرُونَ
Hindi, ito (ang parusa ng Impiyerno [Apoy] sa Araw ng Muling Pagkabuhay) ay daratal sa kanilang lahat nang kaginsa-ginsa at sila ay magugulumihanan, at sila ay walang kapangyarihan na hadlangan ito, gayundin sila ay hindi magkakamit ng palugit
وَلَقَدِ اسْتُهْزِئَ بِرُسُلٍ مِنْ قَبْلِكَ فَحَاقَ بِالَّذِينَ سَخِرُوا مِنْهُمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
Katotohanang (maraming) mga Tagapagbalita ang nilibak nang una pa sa iyo (O Muhammad), datapuwa’t ang kanilang mga mapanuya ay napapaligiran ng gayong bagay na kanilang tinutudyo
قُلْ مَنْ يَكْلَؤُكُمْ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ مِنَ الرَّحْمَٰنِ ۗ بَلْ هُمْ عَنْ ذِكْرِ رَبِّهِمْ مُعْرِضُونَ
Ipagbadya: “Sino kaya baga ang makakapangalaga sa inyo sa gabi o sa araw (sa kaparusahan) ng Pinakamapagpala (Allah)? Hindi, subalit sila ay nagsitalikod sa pag-aala-ala sa kanilang Panginoon
أَمْ لَهُمْ آلِهَةٌ تَمْنَعُهُمْ مِنْ دُونِنَا ۚ لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَ أَنْفُسِهِمْ وَلَا هُمْ مِنَّا يُصْحَبُونَ
o sila kaya ay may aliah (mga diyos) na makakapangalaga sa kanila laban sa Amin? Sila ay walang kapangyarihan upang tulungan ang kanilang sarili, gayundin sila ay hindi mapapangalagaan laban sa Amin (alalaong baga, sa Aming parusa)

Choose other languages: