Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #33 Translated in Filipino

وَمَنْ يَقُلْ مِنْهُمْ إِنِّي إِلَٰهٌ مِنْ دُونِهِ فَذَٰلِكَ نَجْزِيهِ جَهَنَّمَ ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي الظَّالِمِينَ
At kung sinuman sa kanila ang magsabi: “Katotohanang ako ang Ilah (isang diyos) liban pa sa Kanya (Allah),” siya (kung sinuman) ay Aming babayaran ng Impiyerno. Kaya’t sa ganito Namin bibigyang ganti ang Zalimun (mga pagano, buktot, atbp)
أَوَلَمْ يَرَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنَّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ كَانَتَا رَتْقًا فَفَتَقْنَاهُمَا ۖ وَجَعَلْنَا مِنَ الْمَاءِ كُلَّ شَيْءٍ حَيٍّ ۖ أَفَلَا يُؤْمِنُونَ
Hindi baga nababatid ng mga hindi sumasampalataya na ang kalangitan at kalupaan ay magkadikit noon bilang magkabuklod na piraso, at saka Namin pinaghiwalay yaon? At nilikha Namin mula sa tubig ang lahat ng nabubuhay na bagay. Hindi baga sila mananampalataya
وَجَعَلْنَا فِي الْأَرْضِ رَوَاسِيَ أَنْ تَمِيدَ بِهِمْ وَجَعَلْنَا فِيهَا فِجَاجًا سُبُلًا لَعَلَّهُمْ يَهْتَدُونَ
At inilagay Namin sa kalupaan ang matatatag na kabundukan, (kung hindi) ito ay mauuga na kasama nila, at inilagay Namin ang maluluwang na daan para sa kanila upang sila ay may madaanan, at nang sila ay mapatnubayan
وَجَعَلْنَا السَّمَاءَ سَقْفًا مَحْفُوظًا ۖ وَهُمْ عَنْ آيَاتِهَا مُعْرِضُونَ
At ginawa Namin ang kalangitan (alapaap) na isang bubungan, na ligtas at ganap na nababantayan. Datapuwa’t sila ay nagsilayo sa kanilang mga Tanda (tulad ng araw, buwan, hangin, ulap, atbp)
وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ ۖ كُلٌّ فِي فَلَكٍ يَسْبَحُونَ
At Siya ang lumikha ng gabi at ng maghapon, at ng araw at ng buwan, ang bawa’t isa ay nasa orbito (pag-inog) na lumulutang

Choose other languages: