Surah Al-Anbiya Ayahs #19 Translated in Filipino
فَمَا زَالَتْ تِلْكَ دَعْوَاهُمْ حَتَّىٰ جَعَلْنَاهُمْ حَصِيدًا خَامِدِينَ
At ang kanilang pananaghoy ay hindi nagbawa, hanggang sa ginawa Namin sila na animo’y bukiring ginapas, na nawalang sigla (patay at tigang)
وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاءَ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا لَاعِبِينَ
Hindi Namin nilikha ang kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito bilang (isa lamang) paglalaro
لَوْ أَرَدْنَا أَنْ نَتَّخِذَ لَهْوًا لَاتَّخَذْنَاهُ مِنْ لَدُنَّا إِنْ كُنَّا فَاعِلِينَ
Kung Kami ay nagnais na magpalipas lamang ng oras (alalaong baga, tulad ng asawa o anak, atbp.), ay walang pagsala na makakamtan Namin ang mga ito mula sa pinakamalalapit sa Amin, kung Kami ay may layunin na gawin (ang gayong bagay)
بَلْ نَقْذِفُ بِالْحَقِّ عَلَى الْبَاطِلِ فَيَدْمَغُهُ فَإِذَا هُوَ زَاهِقٌ ۚ وَلَكُمُ الْوَيْلُ مِمَّا تَصِفُونَ
Hindi, Aming ipinukol (ipinanaog) ang Katotohanan (ang Qur’an) laban sa kabulaanan (kawalan ng pananampalataya), kaya’t ito ang nagwasak dito, at pagmasdan, ito (ang kasinungalingan at kabulaanan) ay naglaho. At kasawian sa inyo (sa gayong kasinungalingan) na inyong ikinukulapol sa Amin (laban kay Allah sa pagsasabi na Siya ay may asawa at anak)
وَلَهُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَمَنْ عِنْدَهُ لَا يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِ وَلَا يَسْتَحْسِرُونَ
Sa Kanya ang pagmamay-ari ng anupamang nasa kalangitan at kalupaan. At yaong mga malalapit sa Kanya (tulad ng mga anghel) ay hindi lubhang mga palalo sa pagsamba sa Kanya, gayundin, sila ay hindi nahahapo (sa pagsamba sa Kanya)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
