Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #15 Translated in Filipino

وَكَمْ قَصَمْنَا مِنْ قَرْيَةٍ كَانَتْ ظَالِمَةً وَأَنْشَأْنَا بَعْدَهَا قَوْمًا آخَرِينَ
Ilan na bang mga bayan (pamayanan) na mapaggawa ng kamalian ang Aming winasak, at pinalitan Namin ng ibang mga tao pagkaraan nila
فَلَمَّا أَحَسُّوا بَأْسَنَا إِذَا هُمْ مِنْهَا يَرْكُضُونَ
Kaya’t nang mapagtanto (mamalas) nila ang Aming Kaparusahan (na dumarating), pagmasdan, (sila ay nagtangka) na tumakas dito
لَا تَرْكُضُوا وَارْجِعُوا إِلَىٰ مَا أُتْرِفْتُمْ فِيهِ وَمَسَاكِنِكُمْ لَعَلَّكُمْ تُسْأَلُونَ
Huwag kayong tumalilis, datapuwa’t magsipagbalik kayo sa dating lugar kung saan kayo namumuhay nang marangya, at sa inyong mga tahanan, upang kayo ay mabigyan ng katanungan
قَالُوا يَا وَيْلَنَا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ
Sila ay nagsihibik: “Kasawian (sa aba) namin! Katotohanang kami ay naging Zalimun (mga pagano, buktot, walang paniniwala sa Kaisahan ni Allah, atbp.).”
فَمَا زَالَتْ تِلْكَ دَعْوَاهُمْ حَتَّىٰ جَعَلْنَاهُمْ حَصِيدًا خَامِدِينَ
At ang kanilang pananaghoy ay hindi nagbawa, hanggang sa ginawa Namin sila na animo’y bukiring ginapas, na nawalang sigla (patay at tigang)

Choose other languages: