Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #101 Translated in Filipino

وَهُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ النُّجُومَ لِتَهْتَدُوا بِهَا فِي ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ ۗ قَدْ فَصَّلْنَا الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ
Siya (Allah) ang nagtalaga sa inyo ng mga bituin, upang inyong mapatnubayan ang inyong landas sa pamamagitan ng kanilang tulong (sa inyo) sa gitna ng kadiliman sa kalupaan at karagatan. Katiyakan, Aming ipinaliwanag sa masusing paraan ang Aming Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.) sa mga tao na may kaalaman
وَهُوَ الَّذِي أَنْشَأَكُمْ مِنْ نَفْسٍ وَاحِدَةٍ فَمُسْتَقَرٌّ وَمُسْتَوْدَعٌ ۗ قَدْ فَصَّلْنَا الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَفْقَهُونَ
Siya (Allah) ang lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan), at nagkaloob sa inyo ng lugar na pananahanan (sa kalupaan o sa sinapupunan ng ina), at ng lugar na inyong kahihimpilan (sa kalupaan [sa inyong libingan] o sa himaymay ng inyong ama). Katotohanan, Aming ipinaliwanag sa masusing paraan ang Aming kapahayagan (ang Qur’an) sa mga tao na may pang-unawa
وَهُوَ الَّذِي أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَخْرَجْنَا بِهِ نَبَاتَ كُلِّ شَيْءٍ فَأَخْرَجْنَا مِنْهُ خَضِرًا نُخْرِجُ مِنْهُ حَبًّا مُتَرَاكِبًا وَمِنَ النَّخْلِ مِنْ طَلْعِهَا قِنْوَانٌ دَانِيَةٌ وَجَنَّاتٍ مِنْ أَعْنَابٍ وَالزَّيْتُونَ وَالرُّمَّانَ مُشْتَبِهًا وَغَيْرَ مُتَشَابِهٍ ۗ انْظُرُوا إِلَىٰ ثَمَرِهِ إِذَا أَثْمَرَ وَيَنْعِهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكُمْ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ
Siya (Allah) ang nagpapanaog sa inyo ng ulan mula sa alapaap, at dito (sa kalupaan) ay Aming pinasibol ang lahat ng uri ng mga halaman, at mula rito ay Aming pinalabas ang mga luntiang pasyok (stalks), na mula (rin) dito ay Aming pinalitaw ang makapal at kumpol-kumpol na mga butil. At mula sa palmera (datiles) at sa kanyang talulot ay lumabas ang mga kumpol ng bunga (datiles) na mababang nakabitin at abot kamay, at mga halamanan ng ubas, oliba at granada (pomegrenates), ang bawat isa ay magkatulad (sa uri), datapuwa’t magkaiba (sa karamihan at lasa). Pagmalasin ang kanilang mga bunga nang sila ay nagsimula nang mamunga, at ang kanilang pagkahinog. Katotohanan, nasa mga bagay na ito ang mga Tanda sa mga tao na may pananampalataya
وَجَعَلُوا لِلَّهِ شُرَكَاءَ الْجِنَّ وَخَلَقَهُمْ ۖ وَخَرَقُوا لَهُ بَنِينَ وَبَنَاتٍ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يَصِفُونَ
Datapuwa’t sila ay nag-akibat sa mga Jinn bilang mga katambal sa pagsamba kay Allah, bagama’t Siya ang lumikha sa kanila (mga Jinn), at sila ay nagtaguri sa kabulaanan na rito sila ay walang kaalaman, ng mga anak na lalaki at mga anak na babae sa Kanya (Allah). Luwalhatiin Siya! Siya ay higit na mataas (sa lahat) ng kanilang itinatambal sa Kanya
بَدِيعُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ أَنَّىٰ يَكُونُ لَهُ وَلَدٌ وَلَمْ تَكُنْ لَهُ صَاحِبَةٌ ۖ وَخَلَقَ كُلَّ شَيْءٍ ۖ وَهُوَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Siya ang Pinagmulan ng mga kalangitan at kalupaan. Paano Siya magkakaroon ng anak gayong Siya ay walang asawa? Siya ang lumikha ng lahat ng bagay at Siya ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng bagay

Choose other languages: