Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #117 Translated in Filipino

وَلِتَصْغَىٰ إِلَيْهِ أَفْئِدَةُ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ وَلِيَرْضَوْهُ وَلِيَقْتَرِفُوا مَا هُمْ مُقْتَرِفُونَ
(At ito ay upang mangyari) na ang puso ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay ay mahilig sa gayong (pandaraya), at upang sila ay manatili na nalulugod dito, at upang sila ay masadlak sa bagay na kanilang ginagawa (tulad ng lahat ng uri ng kasalanan at masamang nasa, atbp)
أَفَغَيْرَ اللَّهِ أَبْتَغِي حَكَمًا وَهُوَ الَّذِي أَنْزَلَ إِلَيْكُمُ الْكِتَابَ مُفَصَّلًا ۚ وَالَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَعْلَمُونَ أَنَّهُ مُنَزَّلٌ مِنْ رَبِّكَ بِالْحَقِّ ۖ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُمْتَرِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ako baga ay maghahanap ng isang hukom maliban pa kay Allah, samantalang Siya ang nagpapanaog sa inyo ng Aklat (ang Qur’an), na ipinaliwanag sa masusing paraan.” Sila na pinagkalooban Namin ng Kasulatan (Torah [mga Batas] at Ebanghelyo), ay nakakaalam na ito ay ipinahayag mula sa inyong Panginoon sa katotohanan. Kaya’t huwag kayong mapabilang sa kanila na nag-aalinlangan
وَتَمَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ صِدْقًا وَعَدْلًا ۚ لَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَاتِهِ ۚ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ
At ang Salita ng inyong Panginoon ay natupad sa katotohanan at sa katarungan. walang sinuman ang makakapagpabago ng Kanyang mga Salita. At Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam
وَإِنْ تُطِعْ أَكْثَرَ مَنْ فِي الْأَرْضِ يُضِلُّوكَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۚ إِنْ يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَإِنْ هُمْ إِلَّا يَخْرُصُونَ
At kung kayo ay susunod sa karamihan sa kanila na nasa kalupaan, kanilang ililigaw kayo nang malayo sa Landas ni Allah. Wala silang sinusunod kundi mga haka-haka lamang at wala silang ginagawa kundi kasinungalingan
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ مَنْ يَضِلُّ عَنْ سَبِيلِهِ ۖ وَهُوَ أَعْلَمُ بِالْمُهْتَدِينَ
Katotohanan, ang inyong Panginoon! Siya ang tunay na nakakatalos na mainam kung sino ang napapaligaw sa Kanyang Landas, at batid Niyang mainam kung sino ang tumpak na napapatnubayan

Choose other languages: