Quran Apps in many lanuages:

Surah Yusuf Ayahs #27 Translated in Filipino

وَرَاوَدَتْهُ الَّتِي هُوَ فِي بَيْتِهَا عَنْ نَفْسِهِ وَغَلَّقَتِ الْأَبْوَابَ وَقَالَتْ هَيْتَ لَكَ ۚ قَالَ مَعَاذَ اللَّهِ ۖ إِنَّهُ رَبِّي أَحْسَنَ مَثْوَايَ ۖ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ
At siya (isang babae), na sa kanyang bahay siya ay namamalagi, ay nagbalak na siya ay akitin (upang gumawa ng masamang bagay), inilapat niya ang mga pintuan at nagsabi: “Halika, ikaw nga.” Siya ay nagsabi: “Ako ay nagpapakanlong (sa tukso) kay Allah! Tunay nga, ang iyong asawa ay aking amo! Pinahintulutan niya ang aking pananatili rito! (Kaya’t hindi ko siya kailanman maaaring dayain). Katotohanan, ang Zalimun (mga buhong, makasalanan, mapaggawa ng kamalian, atbp.) ay hindi magtatagumpay.”
وَلَقَدْ هَمَّتْ بِهِ ۖ وَهَمَّ بِهَا لَوْلَا أَنْ رَأَىٰ بُرْهَانَ رَبِّهِ ۚ كَذَٰلِكَ لِنَصْرِفَ عَنْهُ السُّوءَ وَالْفَحْشَاءَ ۚ إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُخْلَصِينَ
At tunay ngang siya ay pinagnanasaan niya (babae), at maaaring marahuyo na siya sa kanyang (babae) pagnanasa kung hindi lamang niya nakita ang katibayan ng kanyang Panginoon. At upang sa gayong (paraan) ay Aming maiiwas siya sa kasamaan at bawal na pakikipagtalik. Katotohanang isa siya sa Aming hinirang at pinatnubayang alipin (Tagapagbalita)
وَاسْتَبَقَا الْبَابَ وَقَدَّتْ قَمِيصَهُ مِنْ دُبُرٍ وَأَلْفَيَا سَيِّدَهَا لَدَى الْبَابِ ۚ قَالَتْ مَا جَزَاءُ مَنْ أَرَادَ بِأَهْلِكَ سُوءًا إِلَّا أَنْ يُسْجَنَ أَوْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Kaya’t kapwa sila tumakbo patungo sa pintuan, at pinunit niya ang kanyang (Hosep) damit sa likuran. Kapwa nila nakita ang kanyang amo (alalaong baga, ang asawa ng babae) sa pintuan. Siya (babae) ay nagsabi: “Ano ang kaparusahan sa kanya na nagtangka ng masama sa iyong asawa, maliban na siya ay ikulong o lapatan ng masakit na kaparusahan?”
قَالَ هِيَ رَاوَدَتْنِي عَنْ نَفْسِي ۚ وَشَهِدَ شَاهِدٌ مِنْ أَهْلِهَا إِنْ كَانَ قَمِيصُهُ قُدَّ مِنْ قُبُلٍ فَصَدَقَتْ وَهُوَ مِنَ الْكَاذِبِينَ
Siya (Hosep) ay nangusap: “Siya ang nagtangkang akitin ako,” - at isang saksi mula sa kanyang pamamahay (kasambahay) ang nagpatotoo (na nagsasabi): “Kung ang kanyang damit ay napunit sa harapan, kung gayon ang kanyang (babae) salaysay ay totoo at siya (Hosep) ay isang sinungaling
وَإِنْ كَانَ قَمِيصُهُ قُدَّ مِنْ دُبُرٍ فَكَذَبَتْ وَهُوَ مِنَ الصَّادِقِينَ
Datapuwa’t kung ang kanyang damit ay napunit sa likuran, kung gayon, siya (babae) ay nagsabi ng kasinungalingan at siya (Hosep) ay nagsasabi ng katotohanan!”

Choose other languages: