Surah Yunus Ayahs #91 Translated in Filipino
وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ وَأَخِيهِ أَنْ تَبَوَّآ لِقَوْمِكُمَا بِمِصْرَ بُيُوتًا وَاجْعَلُوا بُيُوتَكُمْ قِبْلَةً وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ
At pinatnubayan Namin si Moises at ang kanyang kapatid (na nagsasabi): “Magsipanirahan kayo at ng inyong angkan sa Ehipto, at gawin ninyo ang inyong mga tirahan bilang lugar ng inyong pagsamba, at mag-alay ng palagiang pagdalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salah) at maghatid ng Masayang Balita sa mga nananampalataya.”
وَقَالَ مُوسَىٰ رَبَّنَا إِنَّكَ آتَيْتَ فِرْعَوْنَ وَمَلَأَهُ زِينَةً وَأَمْوَالًا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا رَبَّنَا لِيُضِلُّوا عَنْ سَبِيلِكَ ۖ رَبَّنَا اطْمِسْ عَلَىٰ أَمْوَالِهِمْ وَاشْدُدْ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَلَا يُؤْمِنُوا حَتَّىٰ يَرَوُا الْعَذَابَ الْأَلِيمَ
At si Moises ay nagsabi: “o aming Panginoon! Katotohanang ipinagkaloob Ninyo kay Paraon at sa kanyang mga pinuno ang kinang at kayamanan sa buhay sa mundong ito, aming Panginoon! Upang mapatnugutan nila ang mga tao na maligaw sa Inyong Landas. Aming Panginoon! Salantahin Ninyo ang kanilang kayamanan at patigasin Ninyo ang kanilang puso upang sila ay hindi manampalataya hanggang sa mamasdan nila ang kasakit- sakit na kaparusahan.”
قَالَ قَدْ أُجِيبَتْ دَعْوَتُكُمَا فَاسْتَقِيمَا وَلَا تَتَّبِعَانِّ سَبِيلَ الَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ
Si Allah ay nagwika: “Katotohanan, ang inyong panambitan ay aking dininig. Kaya’t manatili kayo sa tuwid na landas (alalaong baga, inyong ipagpatuloy ang paggawa ng kabutihan at matiyagang pangangaral ng Mensahe ni Allah) at huwag ninyong sundin ang landas ng mga hindi nakakabatid ng Katotohanan (alalaong baga, ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah, at gayundin sa pananalig sa Gantimpala ni Allah; ang Paraiso, atbp.).”
وَجَاوَزْنَا بِبَنِي إِسْرَائِيلَ الْبَحْرَ فَأَتْبَعَهُمْ فِرْعَوْنُ وَجُنُودُهُ بَغْيًا وَعَدْوًا ۖ حَتَّىٰ إِذَا أَدْرَكَهُ الْغَرَقُ قَالَ آمَنْتُ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا الَّذِي آمَنَتْ بِهِ بَنُو إِسْرَائِيلَ وَأَنَا مِنَ الْمُسْلِمِينَ
At dinala Namin ang mga Angkan ng Israel sa kabilang ibayo ng dagat, at si Paraon at ang kanyang mga kabig ay tumugaygay sa kanila ng may pagkagalit at pang-aapi hanggang sa sumapit (ang sandali) na sila ay malulunod, siya ay nagsabi: “Ako ay nananampalataya sa La ilaha illa (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), na wala ng iba pang diyos maliban kay Allah,” na siyang pinananampalatayaan ng mga Angkan ng Israel, at ako ay isa sa mga Muslim (na sumusuko sa Kalooban ni Allah).”
آلْآنَ وَقَدْ عَصَيْتَ قَبْلُ وَكُنْتَ مِنَ الْمُفْسِدِينَ
Ngayon (ikaw ay naniniwala), bagama’t noon, ikaw ay nagtakwil sa katotohanan at ikaw ay isa sa Mufsidun (mga buktot, makasalanan, tampalasan, atbp)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
