Quran Apps in many lanuages:

Surah Sad Ayahs #13 Translated in Filipino

أَمْ عِنْدَهُمْ خَزَائِنُ رَحْمَةِ رَبِّكَ الْعَزِيزِ الْوَهَّابِ
O mayroon ba silang mga Kaban ng Habag ng inyong Panginoon, - ang Kataas-taasan sa Kapangyarihan, ang Tagapagkaloob ng mga Biyaya ng walang pasubali
أَمْ لَهُمْ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ فَلْيَرْتَقُوا فِي الْأَسْبَابِ
o kanila ba ang kapamahalaan at paghahari sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito? Kung tunay ngang gayon, hayaan silang pumanhik sa lahat ng paraang kanilang magagawa (sa kalangitan)
جُنْدٌ مَا هُنَالِكَ مَهْزُومٌ مِنَ الْأَحْزَابِ
(At sapagkat itinakwil nila ang Mensahe ni Allah), sila ay magiging talunan na katulad ng magkakaanib (na pangkat o tao) nang unang panahon (na nagapi)
كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَعَادٌ وَفِرْعَوْنُ ذُو الْأَوْتَادِ
Bago pa sa kanila (ay marami na) ang nagpabulaan sa mga Tagapagbalita. Ang pamayanan ni Noe; at ni A’ad; at ni Paraon - ang panginoon ng pakikipagsapalaran (na sa gayong paraan ay kanyang pinarurusahan ang mga tao)
وَثَمُودُ وَقَوْمُ لُوطٍ وَأَصْحَابُ الْأَيْكَةِ ۚ أُولَٰئِكَ الْأَحْزَابُ
At ni Thamud, at pamayanan ni Lut, at ang mga nananahan sa kakahuyan; sila ang mga magkakaanib

Choose other languages: