Quran Apps in many lanuages:

Surah Saba Ayahs #54 Translated in Filipino

وَقَالُوا آمَنَّا بِهِ وَأَنَّىٰ لَهُمُ التَّنَاوُشُ مِنْ مَكَانٍ بَعِيدٍ
At sila ay magsasabi (sa Kabilang Buhay): “Kami ay sumasampalataya (na ngayon) sa (katotohanan); datapuwa’t paano nila matatanggap (ang Pananampalataya at ang pagdinig ni Allah sa kanilang pagtitika), sa pook ng katayuan na lubhang malayo (alalaong baga, ang muling makabalik sa dating buhay sa mundo)
وَقَدْ كَفَرُوا بِهِ مِنْ قَبْلُ ۖ وَيَقْذِفُونَ بِالْغَيْبِ مِنْ مَكَانٍ بَعِيدٍ
Katotohanang sila ay nagtakwil sa pananampalataya (sa Kaisahan ni Allah, sa Islam, sa Qur’an at kay Muhammad nang lubusan), noon (sa mundong ito), at sila ay nag-alinlangan (tungkol) sa bagay na nakalingid (alalaong baga, ang Kabilang Buhay, Impiyerno, Paraiso, Muling Pagkabuhay, sa Pangako ni Allah, atbp., sa pagsasabi na ang lahat ng mga ito ay kabulaanan) sa malayong lugar
وَحِيلَ بَيْنَهُمْ وَبَيْنَ مَا يَشْتَهُونَ كَمَا فُعِلَ بِأَشْيَاعِهِمْ مِنْ قَبْلُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا فِي شَكٍّ مُرِيبٍ
At sa pagitan nila at ng kanilang pagnanasa (alalaong baga, ang hangaring tumanggap sa Pananampalataya) ay ititindig ang isang sagka, na tulad din nang ginawa sa mga unang tao na kanilang kauri. Katotohanang sila ay nasa malaking pag-aalinlangan

Choose other languages: