Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #98 Translated in Filipino

وَكُلُّهُمْ آتِيهِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فَرْدًا
At ang bawat isa sa kanila ay paparoon sa Kanya na nag-iisa sa Araw ng Muling Pagkabuhay (na walang anumang kawaksi, tagapangalaga o tagapagtanggol)
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ سَيَجْعَلُ لَهُمُ الرَّحْمَٰنُ وُدًّا
Katotohanang sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad) at gumagawa ng mga gawa ng kabutihan, ang Pinakamapagbigay (Allah) ay magkakaloob ng pagmamahal sa kanila (sa puso ng mga sumasampalataya)
فَإِنَّمَا يَسَّرْنَاهُ بِلِسَانِكَ لِتُبَشِّرَ بِهِ الْمُتَّقِينَ وَتُنْذِرَ بِهِ قَوْمًا لُدًّا
Kaya’t ginawa Namin ito (ang Qur’an), na magaan sa iyong sariling dila (o Muhammad), upang ikaw ay makapagbigay ng masayang balita sa Muttaqun (alalaong baga, mga matimtiman at matutuwid na tao na nangangamba ng labis kay Allah at umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at nagmamahal kay Allah ng labis at gumagawa ng lahat ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos), at upang mabigyan ng babala sa pamamagitan nito (ng Qur’an) ang Ludda (ang mga pinakapalaaway at magugulong tao)
وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُمْ مِنْ قَرْنٍ هَلْ تُحِسُّ مِنْهُمْ مِنْ أَحَدٍ أَوْ تَسْمَعُ لَهُمْ رِكْزًا
At gaano na ba karaming henerasyon bago pa sa kanila ang Amin nang winasak! Ikaw ba (o Muhammad) ay makakatagpo kahit na isa man (lamang) sa kanila, o di kaya ay makakarinig ng kahit na isang bulong (man lamang) sa kanila

Choose other languages: