Quran Apps in many lanuages:

Surah Maryam Ayahs #14 Translated in Filipino

قَالَ رَبِّ اجْعَلْ لِي آيَةً ۚ قَالَ آيَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ النَّاسَ ثَلَاثَ لَيَالٍ سَوِيًّا
(Si Zakarias) ay nagsabi: “Aking Panginoon. Magtakda Kayo sa akin ng isang Tanda.” Siya (Allah) ay nagwika: “Ang iyong tanda ay mangyayari na ikaw ay hindi makakapangusap sa sangkatauhan sa loob ng tatlong gabi, kahima’t ikaw ay walang anumang kapansanan sa iyong katawan.”
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوْمِهِ مِنَ الْمِحْرَابِ فَأَوْحَىٰ إِلَيْهِمْ أَنْ سَبِّحُوا بُكْرَةً وَعَشِيًّا
At siya ay lumantad sa kanyang mga tao mula sa Al-Mihrab (isang lugar ng pagdarasal o pribadong silid, atbp.), siya ay nagsabi sa kanila sa pamamagitan ng senyas na ipagbunyi ang pagpaparangal kay Allah ng mga papuri sa umaga at sa hapon
يَا يَحْيَىٰ خُذِ الْكِتَابَ بِقُوَّةٍ ۖ وَآتَيْنَاهُ الْحُكْمَ صَبِيًّا
(At ito ang ipinagtagubilin sa kanyang anak na lalaki): “O Juan! Manangan kang maigi sa Kasulatan (Torah, ang mga Batas).” At Aming pinagkalooban siya ng karunungan habang siya ay bata pa
وَحَنَانًا مِنْ لَدُنَّا وَزَكَاةً ۖ وَكَانَ تَقِيًّا
At (pinapangyari Namin, na siya) ay maging may pagmamalasakit sa mga tao bilang isang habag (o paglingap) mula sa Amin, at dalisay sa mga kasalanan (alalaong baga, si Juan), at siya ay isang matuwid
وَبَرًّا بِوَالِدَيْهِ وَلَمْ يَكُنْ جَبَّارًا عَصِيًّا
At masunurin sa kanyang magulang, at siya ay hindi palalo o palasuway (kay Allah o sa kanyang magulang)

Choose other languages: