Quran Apps in many lanuages:

Surah Hud Ayahs #50 Translated in Filipino

قَالَ يَا نُوحُ إِنَّهُ لَيْسَ مِنْ أَهْلِكَ ۖ إِنَّهُ عَمَلٌ غَيْرُ صَالِحٍ ۖ فَلَا تَسْأَلْنِ مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ ۖ إِنِّي أَعِظُكَ أَنْ تَكُونَ مِنَ الْجَاهِلِينَ
Siya (Allah) ay nagwika: “O Noe! Katotohanang siya ay hindi kabilang sa iyong pamilya; katotohanan, ang kanyang mga gawa ay hindi katampatan, kaya’t huwag kang magsumamo sa Akin sa bagay na wala kang kaalaman! Ikaw ay Aking pinaalalahanan, kung hindi, baka ikaw ay maging isa sa mga hangal.”
قَالَ رَبِّ إِنِّي أَعُوذُ بِكَ أَنْ أَسْأَلَكَ مَا لَيْسَ لِي بِهِ عِلْمٌ ۖ وَإِلَّا تَغْفِرْ لِي وَتَرْحَمْنِي أَكُنْ مِنَ الْخَاسِرِينَ
Si Noe ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay nagpapakalinga sa Inyo, dahilan sa aking pagtatanong sa Inyo na wala akong kaalaman. At malibang ako ay Inyong patawarin at kahabagan, katotohanang ako ay magiging isa sa mga mapapahamak.”
قِيلَ يَا نُوحُ اهْبِطْ بِسَلَامٍ مِنَّا وَبَرَكَاتٍ عَلَيْكَ وَعَلَىٰ أُمَمٍ مِمَّنْ مَعَكَ ۚ وَأُمَمٌ سَنُمَتِّعُهُمْ ثُمَّ يَمَسُّهُمْ مِنَّا عَذَابٌ أَلِيمٌ
dito ay ipinagbadya: “o Noe! Ikaw ay bumaba mula sa Barko nang may kapayapaan mula sa Amin at sumaiyo ang mga biyaya at sa mga tao na kasama mo (at kanilang mga anak), datapuwa’t, mayroon pang (ibang mga tao) sa kanila ang Aming pagkakalooban ng kasiyahan (nang pansamantala), subalit sa katapusan, isang masaklap na kaparusahan ang sasapit sa kanila mula sa Amin.”
تِلْكَ مِنْ أَنْبَاءِ الْغَيْبِ نُوحِيهَا إِلَيْكَ ۖ مَا كُنْتَ تَعْلَمُهَا أَنْتَ وَلَا قَوْمُكَ مِنْ قَبْلِ هَٰذَا ۖ فَاصْبِرْ ۖ إِنَّ الْعَاقِبَةَ لِلْمُتَّقِينَ
Ito ang balita na Nakalingid na ipinahayag Namin sa iyo (o Muhammad), maging ikaw, o ang iyong pamayanan ay hindi nakakakilala sa kanila, bago pa rito. Kaya’t maging matimtiman. Katotohanan, ang mabuting wakas ay nasa Muttaqun (mga mabubuti at matutuwid na tao na may labis na pangangamba kay Allah sa pamamagitan nang pag- iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at higit na nagmamahal sa Kanya sa pamamagitan nang pagsunod sa lahat ng mabubuting gawa na ipinag-utos ni Allah)
وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ إِنْ أَنْتُمْ إِلَّا مُفْتَرُونَ
At sa mga tao ni A’ad ay isinugo Namin ang kanilang kapatid na si Hud. Siya (Hud) ay nagsabi: “O aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah! wala na kayong iba pang “Ilah” (Diyos) maliban sa Kanya. Katotohanan, wala kayong ginagawa kundi ang kumatha ng mga kasinungalingan!”

Choose other languages: