Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #89 Translated in Filipino

وَتَبَارَكَ الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَعِنْدَهُ عِلْمُ السَّاعَةِ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
At kapuri-puri Siya na nag-aangkin ng lahat ng Kaharian sa kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, atnasa Kanyalamangangkaalamansa Oras, atsa Kanya kayong (lahat) ay magbabalik
وَلَا يَمْلِكُ الَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ الشَّفَاعَةَ إِلَّا مَنْ شَهِدَ بِالْحَقِّ وَهُمْ يَعْلَمُونَ
At yaong mga sinasamba nila maliban sa Kanya ay walang anumang kapangyarihan upang makapamagitan; maliban sa kanila na nagbibigay saksi sa Katotohanan (alalaong baga, sumampalataya sa Kaisahan ni Allah, at sumunod sa Kanyang mga pag-uutos), at may ganap na kaalaman (tungkol sa katotohanan ng Kaisahan ni Allah)
وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَهُمْ لَيَقُولُنَّ اللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ
At kung sila ay iyong tatanungin kung sino ang lumikha sa kanila, walang pagsala na kanilang sasabihin: “Si Allah.” Paano sila kung gayon naligaw (sa katotohanan at sa pagsamba kay Allah na Siyang lumikha sa kanila)
وَقِيلِهِ يَا رَبِّ إِنَّ هَٰؤُلَاءِ قَوْمٌ لَا يُؤْمِنُونَ
(Si Allah ay may Kaalaman) sa panambitan (ni Propeta Muhammad) na nagsasabi: “o aking Panginoon, katotohanang sila ang mga tao na walang pananalig!”
فَاصْفَحْ عَنْهُمْ وَقُلْ سَلَامٌ ۚ فَسَوْفَ يَعْلَمُونَ
Kaya’t tumalikod ka (O Muhammad) sa kanila, at ikaw ay magsabi: “Salam (Kapayapaan)!” Subalit (hindi magtatagal) ay kanilang mapag-aalaman! [Ang pag-uutos sa Talatang ito ay pinawalang saysay sa pamamagitan ng mga pahayag ng mga Talata ng pakikipaglaban laban sa kanila, talatang 9:5 ng Qur’an]

Choose other languages: