Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #11 Translated in Filipino

وَمَا يَأْتِيهِمْ مِنْ نَبِيٍّ إِلَّا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
At walang sinumang propeta ang dumatal sa kanila na hindi nila pinagtawanan at tinuya
فَأَهْلَكْنَا أَشَدَّ مِنْهُمْ بَطْشًا وَمَضَىٰ مَثَلُ الْأَوَّلِينَ
Kaya’t Aming winasak ang mga tao, na higit ang lakas kaysa rito; at ito ang halimbawa ng mga pumanaw na noon pang una (bago pa sa kanila)
وَلَئِنْ سَأَلْتَهُمْ مَنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ لَيَقُولُنَّ خَلَقَهُنَّ الْعَزِيزُ الْعَلِيمُ
At katiyakang kung sila ay inyong tatanungin, “Sino ang lumikha ng kalangitan at kalupaan?” Tunay nga nilang sasabihin: “Ang Pinakamakapangyarihan, ang Puspos ng Kaalaman ang lumikha sa kanila.”
الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ مَهْدًا وَجَعَلَ لَكُمْ فِيهَا سُبُلًا لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ
Na Siyang lumikha sa kalupaan na tila higaan (nakalatag), at gumawa sa inyo rito ng mga daan (at landas) upang kayo ay makatagpo ng patnubay (sa pagtahak)
وَالَّذِي نَزَّلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً بِقَدَرٍ فَأَنْشَرْنَا بِهِ بَلْدَةً مَيْتًا ۚ كَذَٰلِكَ تُخْرَجُونَ
Na nagpapamalisbis (sa tuwi- tuwina) ng ulan mula sa alapaap sa ganap na sukat; at Aming pinasigla sa pagkabuhay ang lupaing tigang; sa gayunding paraan, kayo ay ibabangon (mula sa mga patay)

Choose other languages: