Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #51 Translated in Filipino

فَلَمَّا جَاءَهُمْ بِآيَاتِنَا إِذَا هُمْ مِنْهَا يَضْحَكُونَ
Datapuwa’t nang sila (Moises at Aaron) ay pumaroon sa kanila na taglay ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.), pagmalasin, sila ay nagtawa sa kanila
وَمَا نُرِيهِمْ مِنْ آيَةٍ إِلَّا هِيَ أَكْبَرُ مِنْ أُخْتِهَا ۖ وَأَخَذْنَاهُمْ بِالْعَذَابِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ
Kami (Allah) ay nagpamalas sa kanila ng Ayat (mga tanda, atbp.) sa tuwi-tuwina, na higit na dakila kaysa sa kanilang kasama; at Aming sinakmal sila ng kaparusahan upang sila ay tumalikod (sa pagsamba sa mga diyus-diyosan) at magbalik loob (sa Amin)
وَقَالُوا يَا أَيُّهَ السَّاحِرُ ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِنْدَكَ إِنَّنَا لَمُهْتَدُونَ
At sila ay nagsabi (kay Moises): “o ikaw na manggagaway! Tawagan mo ang iyong Panginoon para sa amin ng ayon sa Kanyang kasunduan sa iyo; katotohanang kami ay tatanggap ng patnubay.”
فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ الْعَذَابَ إِذَا هُمْ يَنْكُثُونَ
Datapuwa’t nang Aming palisin ang kaparusahan sa kanila, pagmasdan, sila ay sumira sa kanilang salita (na sila ay mananampalataya kung Aming ibsan ang kaparusahan sa kanila)
وَنَادَىٰ فِرْعَوْنُ فِي قَوْمِهِ قَالَ يَا قَوْمِ أَلَيْسَ لِي مُلْكُ مِصْرَ وَهَٰذِهِ الْأَنْهَارُ تَجْرِي مِنْ تَحْتِي ۖ أَفَلَا تُبْصِرُونَ
At si Paraon ay nagpahayag sa kanyang pamayanan, na nagsasabi: “O aking pamayanan! Hindi baga ang pamamahala sa Ehipto ay tangi lamang sa akin, at sa mga ilog na nagsisidaloy sa ilalim (ng aking kinatatayuan). Hindi baga ninyo napagmamalas

Choose other languages: